top of page
Search
BULGAR

PFL tournament, sisimulan sa Setyembre sa Cavite

ni Anthony E. Servinio - @Sports | August 18, 2021



Napili ng Philippines Football League (PFL) ang Setyembre 25 bilang bagong araw ng pagbubukas ng torneo para sa 2021. Noong una ay dapat magbubukas ang liga sa Agosto 21 subalit ipinagpaliban ito dahil isinailalim ang Kalakhang Maynila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified ECQ para sa probinsiya ng Cavite kung saan gaganapin ang mga laro.


Maaga pa lang ay isang magandang kombinasyon ng mga beterano at kampeon sa kolehiyo ang ipinakilala ng Dynamic Herb Cebu Football Club para sa unang sabak sa PFL tourney na hatid ng Qatar Airways. Pinapirma ng bagong koponan ang mga coach at 23 manlalaro sa Cebu City.


Ilan sa mga bubuo ng Dynamic Herb ay sina Daniel Gadia at Nicolas Ferrer galing ng Stallion FC Laguna at mga rookie galing ng UAAP na sina Kintaro Miyagi ng UP at Mauro Acot ng De La Salle University. Para sa mahalagang posisyon ng goalkeeper, lumipat si Ace Villanueva mula Kaya FC Iloilo at ang baguhan na si Jack Zambrano ng UP.


Nasa listahan din ang 2019 CeSAFI Most Valuable Player Steven Patalinghug at John Roy Melgo ng University of San Carlos. Ang iba pang mga Filipino sa koponan ay sina Jaime Rosquillo, Rapi Llorente, Ranulfo Colina, Keenen Cergneux, Lorenzo Genco, Ian Miranda, Michael Pacite, Baris Tasci, Yoji Selman at Evren Tasci na karamihan ay tubong-Cebu o nag-aral doon.


Ang mga banyaga ay sina Jamal Mesbahi na tubong Yemen at dating University of Southern Philippines Foundation varsity. Sasamahan siya nina Kore Koremaruis ng Cote d’Ivoire, Mohamed Soumah ng Guinea, Emman Ekundhaiyur ng Nigeria at Ren Okuda ng Japan na lahat ay matagal na naglalaro sa mga torneo sa Cebu. Tatayong head coach si Oliver Colina na gumabay sa Kaya FC Iloilo noong 2020 AFC Cup bago tuluyang ipinagpaliban ang torneo.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page