ni Jasmin Joy Evangelista | March 10, 2022
Inanunsiyo ng fuel company na Petro Gazz na magpapatupad sila ng price roll back sa diesel at gasoline products sa lahat ng stations nationwide.
Sa isang advisory, sinabi ng Petro Gazz na ang mga stations nito nationwide ay magro-roll back sa diesel ng P5.85 kada litro at P3.60 kada litro naman sa gasoline, simula March 10 hanggang 13.
Ang price adjustments na ito ay ipatutupad mula 6 a.m. sa March 10.
Layon umano ng rollback na “minimize the impact to motorists since we are expecting another round of oil price hike next week,” ayon sa Petro Gazz.
Noong March 8, nagkaroon ng pinakamataas na pagtaas sa presyo ng petrolyo ngayong taon, kung saan ito ang ika-10 sunud-sunod na linggo ng price increase mula nang pumasok ang taong 2022.
Tumaas ang diesel ng P5.85 kada litro, P3.60 kada litro sa gasolina, at P4.10 kada litro sa kerosene.
Comments