top of page
Search
BULGAR

Permanenteng evacuation centers, pagtuunan ng pansin

@Editorial | May 25, 2024



Editorial


Papalapit na ang tag-ulan at nakikita na rin natin ang ginagawang paghahanda ng mga ahensya ng gobyerno para hindi maging malala ang epekto nito sa ating pamumuhay.

May mga barangay na sinimulan na ang paglilinis sa mga kanal at iba pang daluyan ng tubig. 


Tinutukoy na rin ang mga lugar kung saan posibleng maging delikado sa baha at guho.

Ilang local government unit na rin ang nakapagpatayo ng mga tirahan para sa relokasyon ng mga nasa danger zone. Sa pamamagitan nito, malalayo sila sa banta ng panganib kapag nanalasa na ang bagyo na posibleng sabayan ng flash flood o landslide.


Samantala, kaugnay ng tag-ulan, may apela naman ang Department of Education (DepEd) sa mga LGU. Ito ay ang iwasang gamitin bilang evacuation centers ang mga paaralan.


Maaari umano itong magresulta sa pagkaantala ng pag-aaral.

Ang naturang alalahanin ay ipinaabot na umano sa idinaos na council meeting, kasama ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Nagbigay na rin ang DepEd ng posisyon na sana ay talagang hindi na magamit ang mga paaralan bilang evacuation centers dahil hindi maiiwasan minsan na tumatagal ang pananatili ng mga evacuee sa iskul. Kaya base sa nirebisang DepEd Order 37, maaaring gamitin ang mga paaralan bilang immediate evacuation site sa panahon ng kalamidad.


Gayunman, hindi ito dapat tumagal ng higit sa 15 araw.


Dahil ‘di naman na sa atin bago ang pagdanas ng mga bagyo, matagal na sanang nagkaroon ng mga permanenteng evacuation center. Hindi sa inaasahan natin ang mga kalamidad kundi kailangan lang nating maging handa.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page