ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 23, 2023

Labis na ikinatutuwa ng mga kaibigan at loyal fans ni Bea Alonzo ang ginawang pagpo-propose sa kanya ng nobyong si Dominic Roque.
Finally ay natagpuan na rin niya ang lalaking match sa kanyang personalidad. Isang lalaking sincere, responsible, hardworking, self-made at hindi nai-insecure sa kanyang kasikatan.
Halos three years na rin silang magdyowa. Tinuklas muna nila ni Dominic ang kani-kanilang kahinaan at temper.
Nakabuti rin sa kanilang relasyon na nag-slow down sa kanyang showbiz career si Dominic. Sa kanyang mga negosyo niya ibinuhos ang kanyang panahon. Kumikita siya nang malaki at hindi nakadepende sa showbiz.
At ang maganda pa, wala silang professional rivalry ni Bea. Hindi rin siya laging nakakabit sa anino ng nobya. May sarili siyang identity.
Ito naman ang nagustuhan ni Bea Alonzo kay Dominic Roque, pareho silang independent at wais sa paghawak ng pera at perfect match sila.
Comments