top of page
Search
BULGAR

Perez petmalu ang hataw sa HD Spikers, EST Cola tinibag

ni Gerard Arce @Sports | September 9, 2024



Sports News

Mga laro ngayong araw (Lunes)

(SM Mall of Asia Arena)

4 n.h. – Farm Fresh vs EST Cola

6 n.g. – Creamline vs Cignal 


Nagpatuloy sa pagpapasikat si last conference Best Foreign player Maria Jose Perez para sa Cignal HD Spikers na muling bumida para panatilihing walang panalo ang EST Cola sa pamamagitan ng straight set sa 25-23, 27-25, 25-12 sa pambungad na laro kahapon sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Humataw ang Venezuelan spiker ng 28 puntos mula sa 23 atake at 5 blocks kasama ang 9 na excellent receptions at 6 na excellent digs para sa ikalawang sunod na panalo ng HD Spikers sa mini-tournament.


Nakatulong ng foreign player si dating league MVP Frances Molina sa 12 puntos gayundin sina Toni Rose Basas sa 8 puntos, 4-time league best setter Angelica Cayuna sa 6 puntos at 19 excellent sets.


I'm very happy we pulled off this win. The first two sets were extremely tough, but our mindset was clear – we wanted to get it,” pahayag ni Perez, na kagagaling lang sa battle-for-third na panalo sa nagdaang Reinforced Conference para makuha ang ika-limang bronze medal sa liga.


Ito ang ikalawang sweep ng Cignal sa kumperensya matapos walisin ang Farm Fresh nung Biyernes sa 25-16, 25-10, 25-18 para makuha ang pagsosyo sa liderato sa 2-0 kartada kasama ang defending champion na Kurashiki Ablaze.


Sinandalan naman ng EST Cola si Warisara Seetaloed na bumida sa 17 points, habang tumapos sina Nattharika Wasan, Tanyaporn Seeso at Natthawan Phatthaisong ng siyam, 7 at 6 na puntos, na natikman ang ikatlong sunod na pagkatalo sa kamay ng Kurashiki at ng Creamline Cool Smashers.  

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page