top of page
Search
BULGAR

Perang hinahabol, 'di na raw maibabalik… PASABOG NI CLAUDINE SA NANLOKO SA MGA FANS NIYA, NAUDLOT

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 15, 2024



Showbiz News
Photo: Claudine Berretto

Nakatakdang magsalita si Claudine Barretto para linawin ang isyu tungkol sa pera ng kanyang mga fans na diumano’y naloko ng taong hindi pa niya pinapangalanan, pero base sa una niyang post ay mukhang kaibigan niya ito.


Sa Instagram (IG) post ni Claudine last Tuesday, sinabi niyang magkakaroon siya ng live session para ilahad ang buong pangyayari.


Sa kanyang mahabang caption ay pahapyaw na ikinuwento ng aktres na naglabas ng pera ang kanyang mga Claudinians sa Cebu para mapasama siya sa isang proyekto.


“Palanggas I will keep you all posted as to what time po ako magla-live with special participation of some guests na kasali po sa issue na ito, but please before we judge since nakapagsalita na sila, ako naman at ‘yung mga nabiktima ang magsasalita.


"At the end of the day, sana po maisip n’yo kung bakit ko kailangan at i-clear ‘yung mga Claudinians ko sa Cebu na tumaya ng malalaking halaga para lang makasama ako sa project at muntik na mailabas ‘yung mga pera kung ‘di pa po hinold ‘yung tao na ‘to,” simula ni Claudine.


Ayon pa sa aktres ay hard-earned money ng mga fans niya ang in-invest ng mga ito sa proyekto at hindi pa alam kung maibabalik pa.


“I will not name this person but ‘di ko rin para i-tolerate s’ya na ‘di na ma-contact at ‘di na ibinalik ang pera ng mga Claudinians na investors na pinangakuang ibabalik na lang po ‘yung pera. Pero klaro po na ‘di n’ya na balak ibalik ‘yung hard earned money ng mga fans/investors gaya ng napag-usapan po namin,” aniya.


“Pahabol ko lang po after maisiwalat na namin ng mga fans, I will take this post down dahil ayoko na po ng negativity at away, ‘di rin kaya ng konsensya ko na iwanan sa ere at ('di) ipaglaban ang mga fans ko dahil pumasok lang sila at naglabas ng pera para po makasama lang ako,” sey pa ni Claudine.


Aniya pa, ipaglalaban niya ang kanyang mga fans kahit ano ang mangyari dahil mula noon hanggang ngayon ay hindi raw siya iniiwan ng mga ito.


“‘Yung totoo lang po, kung may mga gusto i-judge ako tatanggapin ko po dahil ako buong buhay ko, ‘di ako iniwan ni minsan ng mga Claudinians at RYCB at ng mga bagong RYCB N GEN Z, ‘di ba dapat lang ipaglaban ko mga fans ko na naging parang mga kapatid ko na.


“In spite of everything that happened lalo namin minahal ang isa’t isa, wouldn’t you have done the same kung kayo po ang nasa katayuan ko po, dapat ko ba ipaglaban at ipagtanggol mga taong tumaya dahil sa ‘kin o bahala na sila sa buhay nila? Sorry po pero ‘di ko po pagkatao ‘yun. Maraming salamat sa lahat ng tao na naiintindihan ako, kung saan ako nanggaling,” pahayag pa niya.


Hindi pa malinaw kung ano ba talaga ang nangyari at kung sinu-sino ba ang involved kaya abangan na lang natin ang pagsasalita ni Claudine.


Anyway, kinagabihan ng Martes ay muling nag-post ang aktres at ipinaalam na postponed muna ang IG live niya dahil masama ang kanyang pakiramdam.


“Good evening, Palanggas! I am sorry po, I will have to postpone my live tonight because I have a high fever and I don’t look good at the moment.


“Thank you for understanding! I will keep you posted when I live again! Love you all and god (sic: God) bless,” sey ni Claudine Barretto sa IG.


 

GUMAWA na naman ng panibagong online record ang Kapamilya teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) matapos itong magtala ng higit 700,000 concurrent views sa unang pagkakataon sa YouTube (YT). 


Nakamit ito noong Aug. 13 episode na may 729,234 peak concurrent views o ang sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live sa YouTube. Winasak nito ang sariling online record sa dalawang magkasunod na gabi. 


Tuluy-tuloy nga ang mga pasabog sa BQ dahil nakamit ang panibagong milestone na ito sa loob lamang ng dalawang linggo mula noong lumampas sa 600,000 concurrent views ang serye.  


Sa kasalukuyang kuwento ng BQ, tutok ang mga manonood sa mga makapigil-hiningang eksena dahil sumabak na sina Tanggol (Coco Martin) at ang kanyang grupo sa kauna-unahan nilang misyon kung saan agad silang nasubok sa matinding bakbakan.


Napapanood ang FPJ’s Batang Quiapo gabi-gabi, 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) channel at Facebook (FB) page ng ABS-CBN Entertainment.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page