ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 12, 2023
Isa-isang hinimay-himay ni Boy Abunda ang mga issues kay Liza Soberano sa kanyang panayam sa aktres sa Fast Talk with Boy Abunda aired last Friday.
Unang-una na nga rito ay ang sinabi ni Liza na wala siyang boses na sabihin ang mga bagay na gusto niya sa kanyang dating network (ABS-CBN) at sa kanyang management (Ogie Diaz).
Paglilinaw ng aktres, “Naranasan ko naman na I was given some right to kind of approve certain things that were going in my career. But I was never empowered na mag-isip on creating or sharing ideas of how I could grow my career or bring it into a different direction.”
Dagdag pa niya, “I may have decisions for myself but they were not completely my own.”
Sa panayam ay may naibahagi ring karanasan si Liza sa set ng produksiyon na tinatawag daw siyang “little producer” ng mga production people behind her back just because nagsasabi siya ng mga suggestions niya para sa kanyang karakter.
Kaya, itinigil na raw niya ang pagsa-suggest dahil ayaw niyang ma-offend sa kanya ang mga katrabaho.
Nabanggit din ni Liza na hindi raw niya pinangarap ang maging artista pero kinailangan niya itong pasukin para mabuhay niya ang kanyang pamilya.
Sinabi raw niya sa vlog na hindi siya nagkaroon ng childhood dahil maaga siyang nagtrabaho dahil ito naman ang totoo.
“And I’m not complaining. I’m very grateful for everything that I experienced because dahil diyan, napaaral ko ang sarili ko, nakatapos ako ng high school. Dahil diyan, nakabili ako ng bahay para sa family ko here in the Philippines and for my grandparents that are living in the States,” she said.
Hindi raw niya ito magagawa kung hindi dahil sa ABS-CBN, kay Ogie at kay Enrique Gil na ka-love team niya.
“Pero I just needed to state that I didn’t get to become or discover myself on my own terms. I had to do it with the whole country looking at me and other people telling me what was good for me and what was not good for me,” paliwanag niya.
Tungkol sa pangalan niyang Liza, grateful daw siya na may pangalan siyang "Liza" at may pangalang "Hope" (real name niya) dahil parang may dalawa raw siyang buhay at napaghihiwalay niya ito.
Sa tanong kung may pinagsisisihan ba siya, aniya ay wala raw talaga.
Sa mga sinabi niyang isa lang ang leading man niya with 3 directors under the same company, aniya, lahat daw ‘yun ay facts at gusto lang niyang i-enumerate sa kanyang mga fans, family and friends ang lahat ng ginawa niya in the past. Hindi raw siya nagko-complain o nagpoprotesta.
Gusto lang daw niyang maintindihan ng kanyang mga fans, especially LizQuen fans, kung bakit siya nagbabago ngayon and it’s because she wanted to grow as an individual.
“I do not want to forget, I do not want to disregard that,” paliwanag pa ni Liza tungkol sa mga nangyari sa kanyang career.
“I’ve loved all the directors I’ve worked with and for a time, ‘yun lang ‘yung gusto ko. So, this was all before 2019 when I had that change in my mind. I only wanted to be in a love team. I only wanted to work alongside Quen (Enrique). I only wanted to work with these 3 directors that I was enumerating, I only wanted to work with these creatives,” she said.
Natatakot daw siyang humiwalay sa love team noon dahil baka hindi na siya maging successful at kung hindi ang 3 direktor ang makakatrabaho niya ay hindi kikita ang pelikula.
Pero na-realize raw niya na mali ang ganitong mindset kaya nagbago siya ng direksiyon and that she’s taking full responsibility now sa kanyang desisyon.
Comments