ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 8, 2025
Photo: TVJ - Instagram
Bongga rin ang ipinahatid na reaksiyon ng ilang mga nakatrabaho ni Direk Gina Alajar kaugnay pa rin ng iskandalosong movie on Pepsi Paloma na kasama siya under Direk Darryl Yap.
“True, agree kami sa husay ni Direk Gina kaya grabe siguro ang pag-viral ng teaser dahil Gina Alajar ‘yun. Siguro, kung ibang artista ang gumawa nu’n, mapag-uusapan din dahil kontrobersiyal ang paksa pero baka sandali lang. But with Gina, mas naging matapang at interested ang mga tao,” sey ng mga nag-react sa ating naisulat dito.
Hirit pa nila, “Come to think of it at magtanong tayo, ano’ng meron sa movie version ni Direk Darryl para tanggapin ito ng mga de-kalibreng artista gaya ni Gina na madalas pang nagiging guest sa mga pa-contest ng Eat…Bulaga! (EB) o kaya’y nina Rosanna Roces, Mon Confiado o Shamaine Buencamino? Bukod siguro sa malaking talent fee (TF) nila, may something sa istorya na hindi nila matanggihan, ‘noh?”
Kalat na kasi ang tsismis na may mga pulitikong nag-collab at ginamit ang iskandalosong direktor para sirain ang mga public servants na Sotto.
May teorya ring baka nga makinabang pa ang pamilya dahil vindication pala para sa kanila ang istorya.
May tsika ring dating kanegosyo umano ng Tito, Vic & Joey (TVJ) ang isa sa mga nasa likod ng produksiyon at pasimple umano itong gumaganti?
Hay, sa dami ng mga nagsusulputang teorya o guni-guni at haka-haka, isa lang ang malinaw, nagtagumpay si Darryl Yap na makagawa uli ng bagong iskandalo - damaging man or what.
NAKAKABILIB naman talaga ang ugali at pagiging mabuting kaibigan nitong si Star for All Seasons Vilma Santos.
Very true to her promise na hindi niya puwedeng kalimutan ang isa sa mga naging loyal friends niya sa showbiz na si Kuyang Ed de Leon, who passed away last December.
Despite her so busy schedules, mapa-pamilya, pulitika at showbiz, kinarir ni Ate Vi ang pagdalaw sa puntod ni Kuyang Ed last January 5 sa La Loma Cemetery sa bagong tayong Mother Therese Columbarium.
“Happy si Ed. Salamat, Ambet. Niligaw kami ni Ed. Hahaha! Nagpa-guide kami sa tricycle. Napunta kami sa La Loma cemetery, tapos sa Chinese cemetery. Sabi ko, ‘Ed, magpakita ka na, Hahaha!” ang nakakaaliw na tsika ni Ate Vi na panay ang tawag sa amin from 10 AM (galing sila sa Baguio City at nag-confirm ng address ng columbary), hanggang magsi-6 na ng hapon that day dahil naligaw nga sila. Hahaha!
Magkakalapit pala kasi ang Chinese at La Loma Cemetery at boundary pa ng Caloocan at Quezon City.
Anyway, sa dinami-dami talaga ng artista, pulitiko o celebrity na nakilala at naging malapit din sa amin, nag-iisa ang isang Vilma Santos pagdating sa pagiging isang tunay na kaibigan o kapamilya.
Ipaparamdam talaga niya ang kanyang pagmamahal at respeto sa mga totoong
kaibigan niya o nakakasama.
Kaya ‘yung mga nagtraydor diyan, tandaan ninyo, markado kayo. Hahahaha!
Nakatanggap din kami ng mensahe mula sa isang napakalapit na kaibigan nina Karla Estrada at Daniel Padilla (DJ) kaugnay ng lumabas naming tsika dito kamakailan.
Although hindi naman pinabulaanan ng nasabing kaibigan ang kuwento tungkol sa planong pagbebenta ng shares ni DJ sa ilan nilang negosyo, nag-react diumano ang ilang kanegosyo ni DJ pati na ang mga loyal supporters nito.
Gusto raw nilang ipahatid sa madla na walang katotohanan na naghihirap na ang pamilya, kaya’t nagbebenta na ito ng properties o shares. Wala rin daw katotohanan ang mga tsismis na nag-pull-out na o hindi na nag-renew ng contract ang ibang endorsements ni DJ.
Well, base sa aming naisulat, wala naman kaming sinabing naghihirap na ang pamilya at hindi rin kami nagbanggit ng anumang tungkol sa hindi pag-renew o pag-pull-out man lang ng mga endorsements niya.
Baka sa iba nila nabasa ‘yun dahil ang isyu lang na aming naisulat ay ‘yung tungkol nga sa pagkonsulta (hindi pa nga namin sinabing nagbenta na) nito sa kanyang legal team at mga business partners kaugnay ng pagbebenta ng shares, period.
Sana naman ay paratingin ng mga nagbabalita kina Karla at DJ ang mga tamang info at kung nais naman nilang bigyang-liwanag ang isyu, puwedeng-puwede naman.
Huwag lang mag-aakusa ng hindi tama gayung sinabi pa nga naming wala namang mali, if ever man sa plano nitong mag-disburse/i-liquidate ang ibang resources nila.