top of page
Search
BULGAR

Pensioner na nasa Pilipinas hindi na kailangang magpakita sa annual confirmation — SSS

ni Jasmin Joy Evangelista | February 25, 2022



Nilinaw ng Social Security System (SSS) na hindi lahat ng mga pensioner ay kailangang pisikal na magpakita para sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP).


Paliwanag ng SSS, kung ang retiree pensioner ay nasa Pilipinas, hindi na nito kailangang mag-ACOP pero kung ito ay nasa abroad, kailangan nilang magpakita sa SSS via video conferencing o mag-submit ng requirements via email.


Required din mag-ACOP ang mga disability persioner at survivorship pensioner.

Ang deadline ng ACOP ay nakatakda sa March 31.


Hindi na rin daw kailangang fill up-an ang nakalagay sa application form na bank certification.


"Hindi na 'yan requirement. Kailangan niyo na lang i-leave blank then you just submit it to SSS. We are in the process of changing the form kaso... 'di pa rin napapalitan," ani SSS Spokesperson Sau Mapalo.

0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page