Penelope Eloise ang name ng baby girl… GRETCHEN, LOLA NA KAY DOMINIQUE
- BULGAR
- May 31, 2024
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 31, 2024

Nanganak na ang unica hija ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco-Hearn ng cute baby girl.
Sa Instagram (IG) Stories ni Dominique ay ibinahagi niya ang kanyang panganganak with a heartwarming message… “A week of bliss. (white heart emoji)
“Five two-hour lipid IV drips and two-hundred and forty-two Heparin injections, but I’ve enjoyed every minute of my pregnancy. Michael and I are delighted to welcome our little wiggler from inside my womb.”
Penelope Eloise ang name ng bata na hindi pa ipinapakita ang kabuuan ng mukha.
Happy naman ang mga netizens at ngayon pa lang, sinasabi nang magiging spoiled kay Lola Greta ang kanyang unang apo.
Comments