ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Pebrero 4, 2024
Nitong nakaraang Lunes ay nagkaisang nagsuot ang mga kawani ng Senado ng kulay puti na damit at maroon na ribbon.Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug, Oxford crimson o maroon ang kulay ng ribbon dahil ito ang official na kulay ng bandila ng Senado.Dagdag pa niya, ito ay bilang pagpapakita na isa ang buong Senado kontra sa tangkang pag-amyenda sa 1987 Constitution sa pamamagitan ng People’s Initiative (PI).Maliban sa mga kawani ng Senado, binigyan din ng maroon na ribbon ang mga bisita na pumupunta sa Senado.
☻☻☻
Una nang sinabi ng mga senador na tutol sila sa itinutulak na people’s initiative. Tinawag din nila itong “peso initiative” o “politiko’s initiative” dahil sa mga lumabas na balita na may mga nag-aalok ng pera kapalit ng pirma para sa PI.Mariin namang itinanggi ng House of Representatives na may kinalaman sila sa pangangalap ng mga pirma para sa pag-amyenda sa Saligang Batas.
☻☻☻
Samantala, nag-anunsyo naman ang Commission on Elections (Comelec) na ihihinto na muna nila ang pagtanggap ng mga lagda na mayroong kinalaman sa People’s Initiative na layong amyendahan ang Konstitusyon.Pero sa kabila nito, nanindigan pa rin tayo na dapat mas paigtingin natin ang pagbabantay sa umiikot na pagpapapirma sa ating mga purok, barangay, sa mga kalsada’t plaza, sa mga pagtitipon, at iba pang lugar.Sa nakalipas na ilang linggo, saksi ang ating mga kababayan kung paano sinubukang ilusot ang pekeng people’s initiative.Maging mapanuri pa rin at huwag tayong magpaloko.
☻☻☻
Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments