top of page
Search
BULGAR

Pekeng Labubu products, delikado

ni Eli San Miguel @News | Nov. 10, 2024



Photo: Labubu dolls / collection - Circulated


Habang tumataas ang kasikatan ng Labubu dolls, nagbabala ang EcoWaste Coalition sa publiko laban sa mga hindi otorisadong Labubu-inspired na produkto sa merkado na walang label at nagpositibo sa mga toxic chemical tulad ng lead.


Sumikat ang Labubu, isang elf character, matapos itong gamitin ng mga lokal at internasyonal na celebrity bilang bag accessory.


“Imitation dolls, stuffed toys, key chains, phone accessories, stickers, purses, and other products featuring Labubu are offered for sale per piece or in bulk at affordable prices,” pahayag ng EcoWaste.


“Eight of the 42 items were found to contain lead, a potent neurotoxin, as determined through X-Ray Fluorescence (XRF) screening,” ibinunyag pa ng toxic watchdogs.


Dagdag pa rito, sinabi ng EcoWaste na 24 sa 42 na mga item ang natuklasang gawa sa polyvinyl chloride (PVC) na plastik, na naglalaman ng mga nakatagong nakalalasong additive, kabilang ang lead na ginagamit bilang mga stabilizer o pangkulay, at mga phthalate na ginagamit bilang mga plasticizer.


“Lead ranging from 212 parts per million (ppm) to 1,728 ppm was detected on the miniature Labubu PVC plastic toys adorning some of the key chains,” ulat ng grupo.


Itinuturing ng World Health Organization (WHO) ang lead bilang isa sa 10 kemikal o grupo ng kemikal na may pangunahing epekto sa kalusugan ng publiko.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page