Pedrosa at De Guzman Champ sa MVP Badminton
- BULGAR
- Mar 3, 2022
- 1 min read
ni Gerard Arce - @Sports | March 3, 2022

Kapwa hinataw nina Smash Pilipinas mainstays Ros Pedrosa at Mikaela De Guzman ang titulo sa men at women’s singles katatapos na MVP Second Badminton Cup sa Olympic Badminton Center sa Ugong, Pasig.
Naging matagumpay ang isinagawang comeback victory ng pambato ng National University nang ipamalas niya ang malawig na karanasan at mahusay na pamamahala sa laro ng payukuin si Jewel Angelo Albo sa three-set match na tumagal ng 1 oras at 20 minuto sa bisa ng 16-21, 21-15 at 21-16. Nagtapos sa third place si Rabie Oba-ob sa playoff para sa bronze medals sa bisa ng 21-13, 21-19.
“Kahit hapon marami rin po akong learning. Hindi rin akong basta-basta nanalo at yun yung nagtulak sa 'kin gawin yung best ko rin ngayon dahil sa nangyari rin kahapon, wika ni Pedrosa na muling nagwagi ng titulo ng mapagtagumpayan ang 2019 SMART National Open.
Kinailangang patalsikin ni De Guzman si Jaja Andres sa ikalawang laro matapos ang komportableng unang laro sa bisa ng 21-14, 21-17 sa women’s singles title.
Tumapos sa ikatlong pwesto si Anthea Gonzales nang manalo ng walkover ang top player ng dibisyon na si Sarah Barredo na nagtamo ng knee injury sa semis match laban kay Andres. "At first, I prepared mentally for this tournament myself with the help of my coaches in the national team, and of course, coach Kennie Asuncion because this is my first time playing again this year,” wika ni De Guzman, na tinanghal na UAAP Season 82 Rookie of the Year. “Ang tagal din magka-tournament uli, so I had to prepare my mindset.”
Comments