ni Jasmin Joy Evangelista | March 26, 2022
Naka-heightened alert ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) matapos isailalim sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.
Ito ay ipinag-utos ni PCG Commandant Coast Guard Admiral Artemio Abu dahil sa phreatomagmatic burst ng bulkan bandang 7 a.m. ngayong araw.
Nag-dispatch na ng deployable reaponse group ang PCG Station sa Batangas upang i-monitor ang sitwasyon sa paligid ng bulkan.
Ipinag-utos din ni Abu sa PCG Sub-Stations sa Talisay at San Nicolas na magsagawa ng forced evacuation sa mga mangingisdabat fish cage workers sa Taal Lake.
Naka-standby na rin ang dalawang PCG trucks sa Batangas upang i-assist ang mga apektadong residente sa paglikas.
Ngayong araw ay itinaas ng PHIVOLCS sa Alert Level 3 ang status ng Bulkang Taal dahil sa magmatic unrest.
Ipinag-utos ng mga awtoridad ang agarang paglikas at ipinagbawal ang anumang aktibidad malapit sa bulkan.
Comments