ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 5, 2025

AFTER ELECTION MALALAMAN KUNG ALIN SA 2 SURVEY ANG TOTOO, SURVEY NA MAJORITY PINOY GUSTONG MAPATALSIK SI VP SARA O SURVEY NA MAJORITY PINOY AYAW SIYANG MA-IMPEACH -- May survey na majority daw ng Pinoy ay pabor na ma-impeach si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio at may survey din na majority Pinoy ang ayaw ma-impeach ang bise presidente.
After 2025 midterm election ay d’yan malalaman kung alin ang totoo sa dalawang magkasalungat na survey, na kapag majority ng kandidato ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa pagka-senador ang nagwagi, ibig sabihin tama ang survey na majority Pinoy ang gustong mapatalsik si VP Sara sa puwesto, pero kung majority ng senatorial candidates ni ex-P-Duterte ang manalo, ibig sabihin, tama ang survey na majority Pinoy ang ayaw ma-impeach ang bise presidente, abangan!
XXX
32M ANG BUMOTO KAY VP SARA KAYA DAPAT 32M LAGDA RIN ANG DAPAT KALAPIN NG PIM PARA MAPATALSIK SIYA SA PUWESTO AT HINDI 1M SIGNATURES LANG -- Isusulong daw ng grupong People’s Impeachment Movement o PIM na makalikom ng isang milyong lagda para mapadali raw ang pagpapatalsik kay VP Sara sa puwesto.
Aba teka, bakit 1M signatures lang, eh higit 32M ang boto kay VP Sara sa pagka-bise presidente.
Dapat, hindi 1M ang kalaping lagda ng PIM, kundi 32M signatures kung nais nilang talaga na mapatalsik sa puwesto si VP Sara, boom!
XXX
MALACAÑANG NANGAKO NA IPIPILIT NI PBBM GAWING P20 PER KILO ANG BIGAS AT KAPAG ‘YAN AY HINDI NA NAMAN NATUPAD BAKA MAG-BOOMERANG IYAN SA MGA ‘MANOK’ NI PBBM SA PAGKA-SENADOR -- Inanunsyo ni Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro na pipilitin daw ni PBBM na maging P20 per kilo ang bigas kasi nga ito ang kanyang campaign promise noong 2022 presidential election.
Aba’y dapat ipatupad na agad iyan ni PBBM kasi pagsapit ng midterm election at hindi pa rin niya nagawang P20 per kilo ang bigas, tiyak magbu-boomerang iyan sa kanyang mga “manok” sa pagka-senador, na ibig sabihin, baka lahat matalo dahil hindi na naman natupad ang sinabi ng Malacañang na pipiliting gawing P20 ang per kilo ng bigas, period!
XXX
KUNG NAIS NG MARCOS ADMIN NA MATIMBOG SI HARRY ROQUE, SIBAKIN SI IMMIGRATION COMM. VIADO AT PALITAN ITO NG BAGONG HEAD NG BI AT BAKA SAKALING MASAKOTE NA ITO SA IBANG BANSA -- Sunud-sunod ang atake ni former Presidential spokesman Harry Roque sa Marcos administration, at sa kabila na may arrest order ito mula sa Kamara dahil sa pang-iisnab sa mga hearing ng Quad Committee, bukod pa sa may kaso na rin siyang qualified human trafficking sa pagkakasangkot niya sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa ‘Pinas, ay bigo pa rin ang Bureau of Immigration (BI) na malaman kung nasaang bansa ito para dakpin.
Dapat yata sibakin ni PBBM si BI Commissioner Joel Viado sa puwesto at palitan ito ng bagong mamumuno sa Immigration at baka sakali, matunton na ang pinagtataguan ni Roque para siya ay matimbog, boom!
Comentários