ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 24, 2025

DAPAT IPANALO NG MGA DDS ANG 10 SENATORIAL CANDIDATES NI EX-P-DUTERTE PARA MABASURA IMPEACHMENT KAY VP SARA AT MAIUWI SA ‘PINAS ANG EX-PRESIDENT -- Kung nais ng milyun-milyong mga Duterte Diehard Supporters (DDS) na mabigo ang hangarin ng Marcos administration na mapa-impeach si Vice President Sara Duterte-Carpio at magkaroon ng sapat na bilang ang mga senador na gagawa ng resolusyon para hilingin sa International Criminal Court (ICC) na ibasura ang isinampang kaso kay ex-P-Duterte, palayain at pauwiin na sa Pilipinas ang former president, ay isa lang ang dapat gawin, ibasura ang lahat ng kandidato sa pagka-senador ni Pres. Bongbong Marcos at ipanalo o iboto ang lahat ng senatorial candidates ng dating pangulo.
Ito ang mga pangalan ng mga kandidato sa pagka-senador ni ex-P-Duterte base sa alphabetical order, Bondoc, Jimmy; Dela Rosa, Bato; Go, Bong; Hinlo, Jayvee; Lambino, Raul; Marcoleta, Rodante; Mata, Doc Maritess; Quiboloy, Apollo; Rodriguez, Vic at Salvador, Philip.
Kapag iyang 10 senatorial candidates ay nanalo, siguradong mababasura na ang impeachment kay VP Sara, maiuuwi pa sa ‘Pinas si ex-P-Duterte, period!
XXX
DAPAT MADALIIN NA ANG PAGGAWA NG BATAS LABAN SA MGA FAKE NEWS VLOGGER PARA MATIGIL NA ANG FAKE NEWS SA SOCIAL MEDIA -- Gagawa ng batas ang Kamara na may kaakibat na mabigat na parusa laban sa mga vlogger na magpu-post ng fake news sa social media at idadamay din sa kaso ang mga netizens na magsi-share ng mga pekeng balita.
Dapat madaliin ng Kamara ang batas na iyan at sana suportahan ng Senado para matigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon ng mga fake news vlogger sa social media, boom!
XXX
KUNG NAKIPAG-UGNAYAN LANG SANA SI DOTr SEC. DIZON SA MGA TRANSPORT GROUP, WALA SANANG 3-DAY TIGIL-PASADA -- Mula ngayong Lunes, Marso 24 hanggang Miyerkules, Marso 26 ang gagawing tigil-pasada ng mga tsuper at operators ng mga traditional jeepney na miyembro ng transport group na Manibela sa buong bansa.
Kung ang ginawa ni newly-appointed Dept. of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon nang maitalaga siya sa puwesto ay nakipag-ugnayan siya sa mga transport organization at pinakinggan ang kahilingan ng mga tsuper at operators ng mga jeepney drivers hindi sana nagsagawa ng 3-day tigil-pasada ang Manibela transport group, hindi sana makaranas ng perhuwisyo ang mga commuter, period!
XXX
PABIDA LANG ANG BABALA NI PBBM SA MGA SMUGGLER -- Noong July 2023 State of the National Address (SONA) ni PBBM ay sinabi nito na tapos na raw ang maliligayang araw ng mga smuggler dahil ipapahuli at ipapakulong daw niya ang mga ito.
Maituturing na pabida lang ni PBBM ang statement niyang iyan kasi halos magdadalawang taon na, hanggang ngayon ay wala pang nahuhuli at naipapakulong na mga smuggler ang kanyang administrasyon, boom!
Comments