ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Oct. 10, 2024
DATI SI VP SARA ANG CARETAKER NG ‘PINAS KAPAG LUMALABAS NG BANSA SI PBBM PERO DAHIL SA PULITIKA, ITSAPWERA NA ANG BISE PRESIDENTE -- Sa pag-alis ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa bansa para dumalo sa apat na araw (October 8-11) sa ASEAN Summit sa Vientiane, sa Laos, ay sina Executive Sec. Lucas Bersamin, Justice Sec. Crispin Remulla at Agrarian Reform Sec. Conrad Estrella ang ginawa niyang mga caretaker ng Pilipinas at hindi na ang bise presidente na si VP Sara Duterte-Carpio.
Sa totoo lang, dati ang gandang tingnan na kapag lumabas ng bansa ang Pangulo ay ang bise presidente ang nagiging tagapamahala ng Pilipinas, pero dahil sa pulitika, initsapwera na ni PBBM bilang caretaker ng ‘Pinas si VP Sara, tsk!
XXX
KANDIDATURA NG MGA HINDI SIKAT REJECT, PERO KANDIDATURA NG MGA SIKAT NA ‘KAMAG-ANAK INC.’ APRUB SA COMELEC -- Kapag panahon ng eleksyon, laging agrabyado ang mga hindi kilalang personalidad na nais kumandidato sa mga sikat na “Kamag-anak Inc.” o political dynasty.
Ang ginagawa kasi ng Comelec ay nire-reject ang kandidatura ng mga hindi kilalang personalidad na kesyo nuisance candidates daw ang mga ito at sa kabilang banda, ang pinapayagang kumandidato ay ang mga sikat na magkakamag-anak na pulitiko, na ‘ika nga kahit pa sabayang kumandidato sa iba’t ibang posisyon ang mga may “Kamag-anak Inc.” ay aprub sa Comelec, buset!
XXX
PATI ‘SON OF GOD’ JOIN NA RIN SA HALALAN -- Mistulang circus na ang eleksyon sa Pilipinas.
Hindi lang kasi mga may “Kamag-anak Inc.”, mga vloggers at celebrity ang kakandidato sa halalan, kundi pati ang nagpapakilalang “Son of God” na si Pastor Apollo Quiboloy, tatakbo na rin para sa May 2025 midterm elections, boom!
XXX
ANUNSYO NG PSA NA KONTI NA LANG ANG JOBLESS PINOY, KATAKA-TAKA – Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba raw ang bilang ng mga jobless Pinoy sa bansa.
Kataka-taka naman iyang ibinida ng PSA kasi wala namang nababalitang foreign investors na pumasok at nagtayo ng negosyo sa bansa, tapos sasabihin nilang konti na lang daw ang jobless sa ‘Pinas, mga pwe!
Comments