top of page
Search

PBBM, imbes atupaging bigyan ng hanapbuhay ang milyong jobless, pangangampanya pa ang inuuna!

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 9, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SABI NI PBBM MAPALAD DAW SIYA KAPAG NAGWAGI LAHAT NG KANYANG 12 ‘MANOK’ SA PAGKA-SENADOR, KAPAG NANGYARI ITO, DUSA NAMAN ABUTIN NG MAMAMAYAN -- Sabi ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na pinakamapalad daw siyang presidente kapag ang 12 “manok” niya sa senatorial election ay magwawagi lahat.


Siyempre naman, kapag nangyari iyan ay mapalad nga siya kasi lahat iyan ay magiging mga “tuta” niya sa Senado, pero sa kabilang banda, dusa naman aabutin ng sambayanang Pinoy dahil karamihan sa 12 “manok” ni PBBM sa senatorial election ay may mga “Kamag-anak Inc.” sa pulitika, sa gobyerno, buset!


XXX


DAPAT ANG ATUPAGIN NI PBBM PAGBIBIGAY NG HANAPBUHAY SA 2.16M JOBLESS PINOY, HINDI PANGANGAMPANYA SA 12 KANDIDATO NIYA SA PAGKA-SENADOR -- Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 2.16 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho sa pagpasok ng year 2025.


Dami niyan ah, at imbes ang atupagin ng Marcos administration kung paano mabibigyan ng hanapbuhay ang 2.16M jobless Pinoy na iyan, eh ang inaatupag pamumulitika, laging nakabuntot sa kanyang mga “manok” sa senatorial election para ikampanya ang mga ito sa pagka-senador.


Dahil walang paki sa kanila, ang dapat gawin ng 2.16M jobless Pinoy ay ibasura sa eleksyon ang mga “manok” ni PBBM sa pagka-senador, period!


XXX


KAPAG ANG 81% PINOY NA PABOR SA AYUDA IBINASURA ANG MGA KANDIDATONG KONTRA SA AYUDA, KABILANG SI LACSON, MALAMANG TALO LAHAT SA ELEKSYON -- Sablay ang sinabi ni former Sen. Ping Lacson na kaya raw maraming naging jobless ay dahil umaasa na lang daw ang mga ito sa ayuda ng gobyerno.


Kaya natin nasabing sablay dahil posibleng ikatalo niya ang statement niyang ito kasi base sa survey ay 81% ng mga Pinoy ang pabor sa ayuda, at ang statement ng dating senador ay lumalabas na kontra siya sa ayuda.


At kapag ang 81% na iyan ay nagkaisa na ibasura sa eleksyon ang mga kandidatong kontra sa ayuda, kabilang si Lacson, malamang talo abutin nila sa halalan, boom!


XXX


SABI NI COMELEC CHAIRMAN GARCIA, WELCOME DAW SA KANYANG KASUHAN

ANG MGA POLITICAL DYNASTY, PERO KAPAG KINASUHAN NAMAN, IDINIDISMIS NG COMELEC ANG KASO -- Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na welcome daw sa kanya ang mamamayang magsasampa ng disqualification laban sa mga pulitikong may political dynasty.


Maituturing na “pang-uunggoy” lang sa publiko ang sinabing ‘yan ni Garcia kasi may mga nagsampa na ng disqualification sa mga pulitikong may political dynasty o “Kamag-anak Inc.” sa pulitika at gobyerno, pero ang ginawa ng Comelec, dinismis lahat, inaprub pa rin kumandidato ang mga magkakapamilyang sabayang kumandidato sa darating na midterm elections, pwe!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page