ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Feb. 3, 2025
AYON KAY DRILON, ANG 2025 GAA ANG PINAKAKORUP DAW NA NATIONAL BUDGET SA KASAYSAYAN -- Sinabi ni former Senate President Franklin Drilon na sa loob daw ng 24 years niya sa government service, ang pinirmahang 2025 General Appropriations Act (GAA) ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang masasabing pinakakorup na national budget sa kasaysayan.
May punto naman talaga si Drilon na magsabi ng ganyan, kasi nga ang daming blank budget documents sa nilagdaang 2025 GAA ni PBBM, period!
XXX
DAPAT MAGPA-HAIR FOLLICLE DRUG TEST SI PBBM PARA MATIGIL NA ATAKE SA KANYA NINA RODRIGUEZ AT PAMILYA DUTERTE -- Sa programang “Tanong ng Bayan” sa GMA network ay hinamon ni senatorial candidate, former Executive Sec. Vic Rodriguez si PBBM na magpa-hair follicle drug test, pero imbes tugunan ito ay sinabi ng Pangulo na hindi siya mapapa-drug test.
Sana, para matapos na ang isyung ipinupukol kay PBBM tungkol sa droga, dapat ay tanggapin na niya ang hamon kasi hangga’t hindi siya nagpapa-hair follicle drug test ay hindi siya lulubayan ng atake sa kanya nina Rodriguez at ng pamilya Duterte patungkol sa isyung gumagamit umano siya ng illegal drugs, boom!
XXX
AFTER NG ELECTION, DIYAN MALALAMAN KUNG SINO KINA PBBM AT EX-P-DUTERTE ANG MAY KARISMA PA SA PUBLIKO -- Ang nais ni PBBM ay lahat ng 12 kandidato niya sa pagka-senador ay manalo, at sa parte ni ex-P-Duterte ay nais din niyang lahat ng kanyang kandidato sa senatorial election ay magsipagwagi.
Pagkatapos ng halalan ay diyan malalaman ng taumbayan kung kaninong kandidato sa pagka-senador ang maraming mananalo, sino kina PBBM at ex-P-Duterte ang may karisma pa sa publiko, period!
XXX
HUWAG NANG UMAASA ANG MGA MANGGAGAWA SA MGA PRIBADONG KUMPANYA NA MAGKAKAROON SILA NG P200 DAILY DAGDAG-SAHOD -- Sabi ni PBBM ay pag-aaralan daw muna niya ang inaprub ng Kamara na P200 daily dagdag-suweldo sa mga manggagawa sa mga pribadong kumpanya.
Pag-aaralan? Sa totoo lang, sa tema ng salitang ito ni PBBM ay huwag nang umasa ang mga manggagawa sa mga pribadong kumpanya na magkakaroon sila ng daily wage increase na P200 kasi tila tablado ito sa Pangulo, boom!
Comments