top of page
Search
BULGAR

PBBM, ayaw ng magarbong X-Mas party sa gobyerno pero pa-concert sobrang bongga

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Nov. 22, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

PINEPERSONAL NA BA NG MARCOS ADMIN ANG PAMILYA DUTERTE? -- Sa rekomendasyon ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel ay inaprubahan ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pagkuha ng mga dokumento na may kaugnayan sa confidential fund ni dating DepEd secretary, Vice Pres. Sara Duterte-Carpio upang imbestigahan din ng Kamara kung nagamit ito sa tama.


Kapag pati ang confidential fund ni Davao City Mayor Baste Duterte ay kuwestiyunin na rin ng Kamara, isa lang iisipin ng publiko at ito ay pinepersonal na ng Marcos administration ang pamilya Duterte, kasi si ex-P-Duterte ay iniimbestigahan sa extrajudicial killings (EJK), si Davao City Rep. Paolo Duterte at bayaw nito na si Atty. Mans Carpio na mister ni VP Sara ay iniuugnay sa drug shipment at si VP Sara sa confidential fund, period!


XXX


AYAW NI PBBM MAGING MAGARBO ANG X-MAS PARTY NG MGA TAONG-GOBYERNO, PERO KAPAG SIYA NAGPA-CONCERT SA MALACANANG SOBRANG BONGGA -- Na-bash na naman sa social media si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) kaugnay sa panawagan niya sa mga departamento ng gobyerno na iwasang maging magarbo ang pagdaraos nila ng Christmas party.


Maba-bash talaga ang Presidente, kasi kapag nagpapa-concert siya sa Malacanang ay sobrang bongga, tapos ang mga empleyado ng gobyerno ay pagsasabihan niyang huwag gawing magarbo ang x-mas party, boom!


XXX


SANA ANG BAGONG PILIPINAS SERBISYO FAIR NI SPEAKER ROMUALDEZ AY WALANG BAHID-PULITIKA PARA SA KANDIDATURA NG MGA SENATORIAL CANDIDATE NI PBBM -- Inanunsyo ni Speaker Martin Romualdez na sa unang quarter daw ng year 2025 ay 13 probinsya ang pupuntahan ng “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” (BPSF) para magdala ng ayuda sa mga residente sa mga lalawigang ito.


Sana walang bahid-pulitika ang gagawing ‘yan ni Romualdez dahil kung mayroon man para ikampanya ang mga kandidato sa pagka-senador ng Marcos administration ay bad iyan, kasi pera ng bayan ang ginagamit na pondo ng BPSF at hindi ‘yan pera ng mga pulitiko, period!


XXX


KAHIT BAWAL ANG ‘UKAY-UKAY’ SA ‘PINAS, PARAMI NANG PARAMI PA RIN ANG NAGTITINDA NITO -- Habang nalalapit ang Pasko ay parami rin nang parami ang mga “ukay-ukay” na ibinebenta sa merkado.


Ang “ukay-ukay” o second hand clothes ay ipinagbabawal na ibenta sa ‘Pinas, base sa RA 4653, at ang sinumang lalabag sa batas na ito ay may parusang 2 taon hanggang 5 taon na pagkabilanggo at multang P20,000.


Hanggang walang ginagawang aksyon si Customs Commissioner Bienvenido Rubio laban sa mga “ukay-ukay” smugglers na sina alyas "Gerry," "Joel," "John Paul," "Janjan," "Ringgo," "Jimpol," "Egay," "Tina U.," "Bebang," "Big Mama" at "Kimberly" ay asahan nang lalo pang dadami ang mga panindang “ukay-ukay” sa bansa, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page