top of page
Search
BULGAR

PBBM at VP Sara, hangga’t dedma sa panawagan ng INC, asahang kapwa laging lagapak ang rating

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 16, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

LAGING BABAGSAK ANG RATING NINA PBBM AT VP SARA KUNG HINDI NILA PAKIKINGGAN ANG PANAWAGAN NG INC NA MAG-UNITY ULI -- Sa latest survey ng OCTA Research firm ay kapwa bumagsak ang trust and performance ratings nina Pres. Bongbong Marcos (PBBM) at Vice Pres. Sara Duterte-Carpio.


Hangga’t hindi pinakikinggan nina PBBM at VP Sara ang panawagan ng kapatiran sa Iglesia ni Cristo (INC) na sila ay magkasundo at muling mag-unity ay asahan na ng presidente at bise presidente na patuloy na lalagapak ang kanilang mga ratings sa mga susunod pang survey, period!


XXX


KUNG HINDI HUMIRIT SI VP SARA NG CONFI FUNDS, HINDI SANA BABAGSAK ANG RATING NIYA -- Mas malaki ang ibinagsak sa rating ni VP Sara, 10% ang ibinaba kumpara kay PBBM na 4% lang na bumaba.


Hindi sana babagsak ng ganyan kalaki ang rating ni VP Sara kung hindi siya humirit ng confidential funds sa mga tanggapan niya sa Office of the Vice President (OVP) at Dept. of Education (DepEd), na sa imbestigasyon ng Kamara ay lumilitaw na in-scam ang perang ito ng bayan.


Hay naku, alam naman kasi ni VP Sara na hindi naman mga law enforcement agency ang OVP at DepEd, humingi pa ng confi funds, ‘ayan tuloy ang nangyari, ang laki ng ibinagsak ng kanyang trust and performance rating, boom!


XXX


TILA TUTULUYAN NG DOJ NA KASUHAN SI VP SARA KAHIT MAY PANAWAGANG PEACE AT UNITY ANG INC -- Mistulang binalewala ng Malacanang at Kamara ang panawagan ng kapatiran ng INC na magkaisa na ang mga opisyal ng pamahalaan para sa kapakanan ng sambayanang Pinoy.


Matapos kasi ang isinagawang National Rally for Peace ng INC ay sinabi ng Dept. of Justice (DOJ) na tuloy pa rin ang imbestigasyon nila sa ‘pagbabanta’ ni VP Sara sa buhay nina PBBM, First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez.


Isa lang ang ibig sabihin niyan, ayaw makipag-peace ng Marcos admin sa pamilya Duterte kasi ang statement na ito ng DOJ ay nangangahulugan na tutuluyan nilang sampahan ng mga kasong kriminal si VP Sara, tsk!


XXX


SINUMANG GAGAMIT SA PANGALAN NI GEN. JEAN FAJARDO SA PROTECTION RACKET, TIYAK MALILINTIKAN SA BABAENG HENERAL -- Bago na ang police director ng PNP-Region 3 at ito ay sa katauhan ng babaeng heneral na si B/Gen. Jean Fajardo, dating spokesperson ng Philippine National Police (PNP).


Si B/Gen. Fajardo ay isang abogada mula sa Philippine National Police Academy (PNPA) Class ‘96 at kilalang istrikto sa pagpapatupad ng batas. Nagpatupad ng “no-take policy” noong naging police provincial director siya ng Pampanga.


Kaya ‘yung mga nagsasagawa ng protection racket na sina "Raniel," "Patrick," "Paras," "Parak" at "John" sa Central Luzon, huwag na huwag nilang gagamitin sa kanilang raket ang pangalan ni B/Gen. Fajardo dahil siguradong malilintikan sila sa babaeng heneral na ito, period!


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page