top of page
Search

PBBM at Speaker Romualdez, pinagkakatiwalaan daw ng mga Pinoy, nagpapatawa!

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 19, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

DAGDAG-PAHIRAP SA TAUMBAYAN NA TAAS-PRESYO NG 60 GROCERY PRODUCTS, APRUB KAY PBBM! -- Inaprubahan na ng Dept. of Trade and Industry (DTI) ang hirit ng mga manufacturer na pagtaas sa presyo ng 60 grocery products.

Kabilang sa mga nagtaas na presyo ay mga de-lata, tinapay, asukal, gatas, instant noodles, sabon, toothpaste, at iba pang pangunahing bilihin.


Walang ibang dapat sisihin sa pagtaas ng presyo sa mga paninda sa mga grocery kundi si Pres. Bongbong Marcos (PBBM).


Sa totoo lang kasi, bago magpairal ang DTI ng taas-presyo sa mga bilihin ay isasangguni muna nila ito sa Malacañang, at dahil aprub na ang price increase ng 60 grocery products, ibig sabihin niyan ay aprubado ni PBBM ang dagdag-pahirap na ito sa mamamayan, period!


XXX


OCTA, NAGPAPATAWA SA SURVEY NA SA MGA GOV’T. OFFICIAL SINA PBBM AT SPEAKER ROMUALDEZ DAW ANG PINAGKAKATIWALAAN NG MGA PINOY -- Daming netizens ang “nag-ha-ha-ha” reactions sa inanunsyo ng OCTA Research Firm na base sa resulta ng kanilang survey, sina PBBM at Speaker Martin Romualdez daw ang nakakuha ng mataas na marka sa mga government official na pinagkakatiwalaan daw ng majority Pinoy.


May pagka-komedyante rin pala ang mga nangangasiwa sa OCTA Research kasi nagawa nilang patawanin ang netizens sa inanunsyo nilang ito, boom! 


XXX


KUNG SENADOR ANG GSIS BRANCH MANAGER NA NAGNAKAW DAW SA PERA NG BAYAN, TIYAK ABSUWELTO SIYA, HINDI MABIBILIBID -- Hinatulan ng Sandiganbayan ang branch manager ng Government Service Insurance System (GSIS) sa Nueva Vizcaya ng 21 years hanggang 38 years imprisonment matapos mapatunayang ibinulsa o ninakaw ang worth P8.1 million educational policy claims ng mga GSIS member.


Magnanakaw din lang pala siya sa kaban ng bayan, sana noon ay sinubukan niyang kumandidato sa pagka-senador at baka sakali manalo siya, kasi kung senador siya, kahit daan-daang milyong piso sigurong pera ng bayan ang dikwatin niya ay maabsuwelto siya sa kaso. Dahil nga hindi siya senador, kaya kahit higit P8M lang ang ibinulsa niya, guilty ang hatol sa kanya ng Sandiganbayan, kulong siya ng 21-taon hanggang 38-taon sa Bilibid, he-he-he!


XXX


LAKAS MAKA-FAKE NEWS NA SA MARCOS ADMIN DAMI NA RAW PINOY MAY TRABAHO, ‘YUN PALA RANK 2 ANG ‘PINAS SA SOUTHEAST ASIA NA MARAMING JOBLESS -- Sa inilabas na data ng Ibon Foundation, sa mga bansa sa Southeast Asia ay top ang Indonesia (4.9%) sa maraming jobless, at pumangalawa rito ang Pilipinas na nasa 3.2% ang mga walang trabaho.


Lakas maka-fake news ang Marcos administration kasi ang ibinida ng Malacañang ay kaunti na lang daw ang jobless, ‘yun pala ay sangkaterba pa, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page