ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Mar. 11, 2025
Photo: Pinoy Big Brother hosts - FB
Nakalabas naman agad ang mga Pinoy Big Brother (PBB) hosts na sina Melai Cantiveros at Alexa Ilacad na nakulong sa Bahay ni Kuya sa pagsisimula ng PBB Celebrity Collab Edition last Sunday.
Sa nasabing pilot episode ay nagulat na lang sina Mavy Legaspi, Melai, Alexa, and Gabbi Garcia nang hindi na sila pinalabas sa loob ng PBB house dahil kailangan muna nilang mapagtagumpayan ang special task na ibinigay ni Kuya. Kung hindi raw nila magagawa ang task ay hindi sila makakalabas sa bahay.
Gulat na gulat si Gabbi na siyang nagbasa ng mensahe ni Big Brother. Hindi siya makapaniwala na hindi na siya makakauwi ng bahay nila at sey pa niya, “May taping ako bukas!”
Sabi naman ni Melai, “Ako, may mga anak ako, naghihintay sila sa bahay, maawa kayo!”
Pero kahapon (Monday) ay nag-post ang 3 girls na nagawa naman nila ang task at nakauwi ng bahay. Walang post si Mavy pero may duda kaming nakalabas din naman siya.
Sa kanyang Instagram (IG) account ay nagbahagi si Melai ng mga larawan niya kasama ang pamilya habang natutulog.
“Guys nakalabas na ako ng bahay ni kuya, ‘di na ako naka-update kagabi kasi sa sala na ako hinintay at naglablab na agad kami ng mga La Maingay kung Familia (laughing emoji). Muntikan na kami kagabi, pa madaling araw ba kaming pinalabas ni Big Brother, and na Big BOTHER talaga ako uy! kasi pagkaalam ko host ako, e ‘yun ang usapan tapos naging housemate (shock emoji) Hahaha! pero nakakagigil din kayo ate @iamsuperbianca and @iamrobidomingo Robi ‘di ba? Pero Labyu (love you), Big Brother nakakamis ka, pero ang pagka-miss ko sayo, kaya na kita e Love from afar,” caption ni Melai.
Si Gabbi naman ay nag-post sa kanyang IG Story at sey niya sa caption: “TY (Thank You), LORD NAKALABAS PA KO WAAAH @PBBABSCBNTV.”
Aniya pa, “Grabe kayo Hahaha! ‘di ko na maintindihan emotions ko kagabi.”
Caption naman ni Alexa sa kanyang IGS, “SHEEEEEESH!!!!! Nakalabas din sa wakas! Grabeng pa-day 1 naman ‘yan, kuya! NAKAKALOKA! #PBBTheBigCollab.”
May stage 4 na cancer…
RACHEL, INIALAY ANG BEST SUPPORTING ACTRESS AWARD SA AMANG SI HAJJ
INIALAY ni Rachel Alejandro sa kanyang amang may sakit na si Hajji Alejandro ang napanalunang Best Supporting Actress award sa katatapos lang na Manila International Film Festival (MIFF) na ginanap sa Los Angeles, California.
Nagwagi ang singer para sa kanyang pagganap sa musical film na The Song of The Fireflies (TSOTF).
Sa Instagram (IG) post ni Rachel ay sinabi niyang hindi siya nakapag-prepare ng speech dahil hindi raw niya naisip na mananalo siya.
“When Tia Carrere announced ‘The Best Supporting Actress is…Rachel Alejandro for Song of the Fireflies’, my heart leapt for joy but my mind started racing. Shucks. I did not have a speech prepared cuz tbh (to be honest), I hadn’t given our film winning anything much thought,” aniya.
Ikinuwento rin niyang nahirapan siyang umakyat ng stage dahil sa suot niyang high heels.
“I didn’t want to leave anyone out that needed to be acknowledged. I struggled to get to the stage in high heels and when I got there, managed to rattle on thanks to the team,” tsika niya.
Pero kahit na hindi siya naka-prepare ng speech, naisip daw niya ang kanyang ama.
“In the end, all I could think of was my Dad. I dedicated the win to DAD (red heart emoji). Then I felt a surge of gratitude and awe for the miracles that have been transpiring in our lives the last few days,” aniya.
Kuwento pa niya, muntik na raw siyang madapa dahil napatid siya sa stand ng microphone.
“Then I trampled on the mic stand and nearly fell onto the steps,” aniya.
“Now, I can more calmly thank everyone again,” patuloy niya at nagpasalamat sa mga nais niyang pasalamatan partikular na ang mga taong naging bahagi ng pelikula.
Big winner ang TSOTF sa MIFF dahil wagi rin itong Best Picture, Best Actress for Morisette, at Best Supporting Actor para kay Noel Comia, Jr..
Samantala, noong nakaraang linggo ay kumalat ang malungkot na balitang nasa ICU (intensive care unit) si Hajji Alejandro at nakikipaglaban umano sa kanyang sakit na stage 4 colon cancer.
Comments