ni MC - @Sports | April 12, 2021
Suportado ni Philippine Basketball Association (PBA) team owner at businessman Manuel V. Pangilinan ang suhestiyon ni PBA chairman Ricky Vargas na magkaroon ng friendly match sa pagitan ng PBA players at China bago simulan ang 46th season ng liga.
Ibinigay ni Pangilinan, may-ari ng MVP Group — TNT, Meralco at NLEX teams sa PBA – ang kanyang suporta sa rekomendasyon ni Vargas sa pamamagitan ng tweet. “Yes to Ricky Vargas’s China friendly – hhmmm a bit of an oxymoron nowadays. But hey, if it helps break the pressure and provide relief to our people – lllleeeeezzz ggggoooo PBA!” tweeted ni MVP.
Iminungkahi ni Vargas ang friendly match sa pagitan ng China at select PBA players na tatawaging ‘PBA Warriors’ at iko-coach ni Yeng Guiao na ang layunin ay magbigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga tao ngayon panahon ng pandemic.
Nanawagan din ang chairman ng liga ng pagkakaisa sa pagbubukas ng 46th year ng liga. Nabuo ni Vargas ang ideyang friendly match ngayong panahong tumataas ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa iligal na pagpasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Comments