JINKY, NAGSALITA NA.
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 26, 2021
Nagsalita na rin sa wakas si Pau Fajardo, ang ex-fiancé ng PBA player na si Scottie Thompson, tungkol sa isyung ipinagpalit umano siya sa isang dating flight stewardess at businesswoman na nagngangalang Jinky despite na sila'y nagdeklarang engaged ni Scottie last January, 2021.
Sa social media kumalat ang balitang ikinasal na sina Scottie at Jinky weeks ago, subali't tahimik pa rin ang kampo ng newlywed sa isyu.
Nitong nakaraang Huwebes (June 24), binasag ni Pau ang kanyang pananahimik tungkol sa umano'y kasalang Scottie at Jinky, bagama't tahimik pa rin ang kampo ng PBA superstar.
Sa kanyang Instagram page, aminado si Pau na hindi na sana nito kailangan pang magbigay ng statement dahil hindi naman siya public figure. Aminado rin siya na "sensitive" sa ganitong bagay dahil isa itong personal matter.
"It has been a difficult time for my personal life. With this statement, I hope we can finally put a stop to all the gossip, and for me to finally reclaim my private life. Even when things regarding my relationship started to unravel publicly, I never felt I needed to release any statement. After all, I never regarded myself as some sort of a public figure, much less a celebrity.
"That said, I am deeply hurt. I ended a long-term relationship with the man I was ready to spend the rest of my life with. To say it has been heartbreaking is an understatement," pahayag ni Pau.
Sa kabila ng lahat, mas pinili raw ni Pau na mag-move on at ituloy ang kanyang buhay.
Nasa estado na siya ng moving on at nagpapaumanhin si Pau dahil may ilang taong nadawit sa issue nila ni Scottie at hindi niya intensiyong makasakit ng sinuman.
"Please understand that I have no control over what people are sharing on social media on this issue," aniya.
Sinabi pa nitong manahimik na lang ang ibang tao at huwag nang gumawa ng ibang bagay na magpapalala pa sa sitwasyon.
"To the people closest to me, 'thank you' is not good enough. To my faithful friends, thank you for staying by my side. And to my family and especially, my Ate, I miss all of you more now than ever. Do not worry, I will be better."
Sinabi pa ni Pau na ito na ang huli nitong pahayag at hindi na magsasalita pa sa isyu.
Comments