top of page
Search
BULGAR

PBA players magsasanay na, pero istrikto ang health protocols

ni Gerard Peter - @Sports | May 09, 2021




Inaasahan ang muling pagbabalik sa pagsasanay ang mga team ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Mayo 18 nang pumayag ang Inter Agency Task Force na ipagpatuloy ang kani-kanilang 5-on-5 scrimmages para sa pagbubukas ng 46th season ng liga.


Kasunod ng pag-apruba ng IATF na makapagsanay sila sa mga lugar ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ, ipatutupad din ang mas mahigpit health protocols at safety standards, gaya ng ipinatupad noong ‘PBA bubble’ sa Clark, Pampanga.


Inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial sa isang press briefing noong Biyernes na, “Yun ang ni-request natin, sinabi yung protocols. Sinabi na bago mag-practice, iba na yung swab testing natin dati 5 tapos quarantine ngayon, 7 days before practice, test ka, 2 days before practice test ka, naka-isolation ka rin tapos dati every 14 days ang swab testing natin, ngayon every 10 days na, yun ang pinresent natin last Wednesday [sa Task Force],” paliwanag ni Marcial. “Pero magandang balita pinayagan na tayong magscrimmage at practices, hindi lang natin alam kung saan, NCR ba, Batangas ba, o sa Antipolo, so 'yun ang liliwanagin namin,” dagdag ng Commish.


Idinagdag din ni Marcial na magpapatawag ito ng pulong sa coaches, players, at team managers sa susunod na linggo upang idetalye at ipaliwanag ang protocols at bagong sistema na patuloy na dapat sundin. “Magtatawag ako ng meeting ng coaches, players at team managers by next week para malaman namin yung protocols. Katulad ng sinabi ko, meron kaming bagong sistema para sa swab testing sa darating na 7days before na ma-swab ka, 2 days before at nasa amin ang resulta, kung hindi 'di makakalaro,” bigyang-diin ni Marcial.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page