top of page
Search

PBA players, best influencer sa fans para magpabakuna

BULGAR

ni Gerard Peter - @Sports | May 30, 2021




Mga manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kayang para makapagbigay ng tulong sa pamahalaan na mas mapahatid sa publiko ng kamalayan sa isinusulong na pagpapabakuna.


Binigyang halaga ng 58-anyos na si Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na ang impluwensiya ng mga basketball players ng kauna-unahang professional league sa Asya ang makatutulong sa kampanya na himukin ang mga Filipino na magpabakuna upang makamit ng bansa ang herd immunity kontra sa mapaminsalang coronavirus disease (Covid-19).


We need media influencers, athletes for example, PBA players,” pahayag ni Abalos sa panayam ng ABS-CBN News Channel hinggil sa kung papaano matatanggal sa publiko ang pagpili ng mga brand ng bakuna. “We need media influencers to explain these things. I'll raise this up. PBA, the players, and the national athletes could really help here.”


Hinimok ni Abalos na makipagtulungan na ang publiko sa pamahalaan para mas maiusad ang vaccination drive, na binigyang halaga ang ginagawa ng medical frontliners at mga punong tagapamahala ng lokal na pamahalaan upang matuldukan ang pakikipaglaban sa Covid-19 pandemic na mahigit isang taon ng nilalabanan sa buong mundo.


You know, our doctors, nurses, our mayors have been working for so long, seven days a week. They are very tired,” wika ni Abalos. “We do not really know what type of vaccines will come in. So in order for us to reach that herd immunity, we must all work together.”


Bagsak na lang kami ng bagsak ng bakuna, trabaho na lang kami ng trabaho, 'yung mga tao, please just cooperate. Pumunta kayo, and whatever [vaccine] we have right there, sasabihin naman namin sa inyo,” paliwanag ng dating representatibo ng lone district ng Mandaluyong.


Samantala, nagpaplanong pahabain pa ng Blackwater ang kanilang training camp sa Tagaytay City matapos ang isang linggong pagsasanay sa Batangas City Sports Center para sa pagbubukas ng scrimmages at training na pinayagan ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID).


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page