top of page
Search
  • BULGAR

PBA, magdaragdag ng 2 pang teams sa 12 koponan

ni GA - @Sports | May 10, 2022



Pinag-iisipan ng Philippine Basketball Association ang posibilidad na madagdagan pa ang kasalukuyang koponan patungo sa 14 matapos ang isinagawang pagpupulong ng Board of Governors.


Napagkasunduan ng mga Board of Governors kasunod ng isinagawang planning session sa Boracay na magdagdag pa ng dalawang koponan sa hinaharap.


Inihayag ni PBA Chairman Ricky Vargas na inaprobahan nila ang pagpapalawak sa naturang bilang matapos dumulog ang ilan pang mga kumpanya na may malakas na interes na pumasok sa kauna-unahang professional play-for-pay league sa Asya.

“The board, we agreed that we should be on the lookout and look to expand to 14. There’s interest. There’s one team that’s strongly interested,” wika ni Vargas sa ginanap na online press-conference nitong Miyerkules.


Hindi maitatanggi na maraming mga tagahanga’t tagasubaybay ang nagnanais na lumaki at dumami pa ang mga koponan sa liga dahil sa pagdami ng mga basketball players sa bansa at mga Filipino-foreigners.


Kasalukuyang umaabot sa 12 koponan ang mayroon, kung saan kapapasok lang ng bagong team na Converge ICT Solutions Inc., na binili ang prangkisa ng 14-time PBA champion na Alaska Aces.


Huling beses na may nadagdag na koponan sa PBA ay nu'ng 2014 nang pumasok ang Blackwater at Kia (Terrafirma) na mga bagong prangkisa sa liga. Ang iba pang 9 na koponan ay binubuo ng sister companies na San Miguel Beer, Brgy. Ginebra at Magnolia ng San Miguel Corporation, TNT Tropang Giga, NLEX Road Warriors at Meralco Bolts ng MVP Group and Company, Rain or Shine Elasto Painters, Phoenix Super LPG, at Northport Batang Pier.


Tinukoy rin ni Vargas, na kasalukuyang team governor ng TNT, na makabubuti para sa PBA ang pagkakaroon pa ng karagdagang koponan dahil makakatulong ito upang kumite ang liga na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.


“Expansion to 13 will be more difficult to manage. So, the board actually agreed that maybe, we should look at expanding to 14.”


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page