top of page
Search
BULGAR

Payong pag-iipon sa Year of the Pig, upang ‘di masadlak sa kaawa-awang kalagayan

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | April 29, 2023


Sa pagkakataong ito, tatalakayin natin ang katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Pig na tinatawag ding Boar o Bulugang Baboy ngayong Year of the Water Rabbit o 2023.


Ang Boar o Baboy ay silang mga isinilang noong taong 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019, at 2031.


Ang Boar o Baboy ang ika-12 animal sign sa Chinese Astrology, kung saan siya rin ay isang Scorpio sa Western Astrology na pinaghaharian ng planetang Mars.


Sinasabing ang mapalad na oras ng isang Baboy ay mula alas-9:00 ng gabi hanggang alas-11:00 ng gabi, sa buwenas at mahiwagang direksyong north o hilaga, northwest o hilagang-kanluran.


Pinaniniwalaang magiging marahas, mahilig sa sarap at layaw ng katawan ang mga Baboy na isinilang sa panahon ng tag-araw o tag-init, kung ikukumpara sa kapatid niyang Baboy na isinilang sa panahon ng tag-lamig o tag-ulan.


Kilala sa pagiging easygoing, easy go lucky, masiyahin, at pa-easy-easy ang isang Baboy.


Dahil dito, ang Baboy ay itinuturing isa sa pinakamasarap na makasama o maging kaibigan dahil tiyak na yayayain ka niya sa lahat ng uri o gawaing masasarap at masaya.


Dahil ang pangunahing hangad niya ay sarap at ligaya, madalas ay natatagpuan ng Baboy ang kanyang hinahanap– masarap na karanasan at hayahay sa buhay, kahit lumipas ang buong maghapon na tila wala siyang iniinda sa buhay.


Sinasabi na kung hindi matututunan ng Baboy na mag-ipon para sa kanyang future, bagama’t magiging masaya ang kanyang buhay, kinabukasan ay may babala na maghikahos, maghirap at masasadlak sa kaawa-awang kalagayan ang Baboy sa aspetong pangkabuhayan.


Sinasabing kung mayaman at masikap sa buhay ang mapapangasawa ng Baboy at tinuruan siyang magtipid at mag-ipon para sa future, wala nang sasarap pang buhay kundi ang buhay ng Baboy na nagawang mag-invest at magtabi ng kabuhayan.


Dagdag pa rito, bukod sa pagiging galante at matulungin, kilala rin ang Baboy sa pagiging palakaibigan. Kadalasan, nag-iipon ang Baboy ng kabuhayan at maraming pera, hindi para sa future kundi para ipagmayabang sa mga kakilala at kaibigan niya.


Dahil dito, kung hindi magiging masinop, madaling nauubos ang kabuhayan ng Baboy sa pakikisama at pakikisalamuha sa kaibigan, hanggang matagpuan na lang niya na simot na at wala nang laman ang kanyang bulsa.


Samantala, ang ugaling ito ng Baboy ang hinahangaan ng kanyang mga kaibigan, kaya ang pamumulitika ay kusang duumarating sa buhay niya. Nagiging leader siya ng malalaking pangkat o grupo hanggang sa bandang huli ay siya na ang ‘Big Boss’ ng nasabing samahan at maaabot niya ang pinakamataas na posisyon.


Ang problema naman kapag nasa taas na ang posisyon ng Baboy, marami ang naiinggit at hindi nasisiyahan sa istilo ng kanyang pamamahala. Kaya ang kadalasang nangyayari, pinipilit siyang ibagsak at siraan, na nagiging daaan upang hindi magtagal ang pamumuno niya sa anumang mataas na posisyon at dahil ayaw na ayaw ng Baboy na mamroblema at talaga namang pagpapasarap lang talaga gusto niya sa buhay, kapag na-pressure, nainis o na-stress, madaling umaayaw sa panunungkulan ang tipikal na Baboy.


Itutuloy


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page