ni Lolet Abania | November 17, 2021
Ipinayo ng isang infectious disease expert na dapat piliin ng mga buntis na healthcare workers na magpabakuna ng isang homologous booster laban sa COVID-19 para mabawasan ang posibilidad na idudulot ng adverse reaction.
Ang homologous booster dose ay pagbabakuna sa isang indibidwal ng parehong vaccine brand na ginamit sa unang mga seryeng natanggap nito habang ang heterologous booster dose naman ay pagbabakuna sa isang indibidwal na ang gamit ay ibang vaccine brand kumpara sa unang natanggap nito.
Sa ginanap na DOH Town Hall briefing ngayong Miyerkules, sinabi ni Dr. Anna Ong-Lim na kahit na wala siyang nakikitang problema sa pagtanggap ng mga buntis ng booster shots, ipinapayo niyang piliin na lamang ng mga ito ang isang homologous vaccination.
“Coming from the perspective na ang prino-protect natin dito is occupational risk and considering na inactivated vaccines naman itong pinag-uusapan natin, I would not expect any issues with pregnant women receiving a boost,” ani Ong-Lim, chief ng Infectious and Tropical Disease Section ng Department of Health (DOH).
“On a personal note, I would probably advise homologous rather than a heterologous platform just to decrease the variables and decrease the likelihood of any adverse reactions,” dagdag ni Ong-Lim.
Pinayuhan din ni Ong-Lim ang publiko na patuloy na sumunod sa mga guidelines at iwasan ang tumanggap ng boosters sa loob ng anim na buwan matapos na makumpleto ang kanilang unang dalawang doses ng COVID-19 vaccine.
“Ang basis kasi ng booster is really naka-base siya sa understanding ng anti-body responses. And there is such a thing as optimizing these responses, and from what we know right now, the data supports boosting on the six months onwards,” paliwanag ng opisyal.
“Siguro dahil the state of knowledge that we have for these vaccines is so recent, let’s try to stay within the guidelines para hindi rin tayo masyadong magkaroon ng unforeseen consequences,” dagdag pa ni Ong-Lim.
Ngayong Miyerkules, sinimulan na ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga fully vaccinated healthcare workers ng booster doses. Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pagbabakuna sa mga senior citizens at immunocompromised individuals ang kanilang isusunod sa booster shot.
Komentar