top of page
Search

Payloader operator, patay sa ambush

BULGAR

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 3, 2024


AGUSAN DEL SUR -- Isang payloader operator ang namatay at dalawang manggagawa pa ang sugatan sa pananambang at pamamaril ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Brgy. Bayugan 2, San Francisco sa lalawigang ito.


Ang nasawi ay si Rolando Ayaton, samantalang ang mga sugatan ay sina Daniel Galemba at Jimmy Lucero, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, habang lulan ng isang payloader ang tatlong biktima ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad silang pinagbabaril.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Inaalam na ng mga otoridad ang motibo ng mga suspek sa pananambang sa mga biktima.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page