ni Angela Fernando @News | May 18, 2024

Sumaklolo agad ang ‘Payaman Team’ vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar matapos punahin ng isang netizen ang pagbibigay niya sa kanyang mister na si Exekiel Christian C. Gaspar o mas kilala bilang “Boss Keng” ng mamahaling regalo.
Hirit kasi sa comment ng isang netizen, "Boss keng[,] materialistic na masyado. [Unahin] mo anak mo."
Hindi naman nangiming sinagot ni Pat ang comment na 'to na iniwan sa kanyang vlog ng isang Marites.
"Wala akong ginagastos kay isla, lahat si [Keng] gusto niya siya lahat sa financial ni Isla. All expenses ni [Isla] sagot ni [Keng]. Diaper, gatas, check up, hospitalization, insurance. LAHAT! Okay lang? [wacky emoji]," reply ni Pat sa comment.
Bilang misis na kilalang good provider at mabuting asawa si Keng, dinala na rin ni Pat sa isang Facebook post ang rant nito sa sey ng hater sa kanyang mister.
"First time ko bilhan 'yung asawa ko ng mahal na gamit. Laging ako 'yung binibilhan n'ya ng branded bag [o kaya] siya ang sasagot ng travel namin buong pamilya. Lagi siyang, “ako na” kahit sasabihin kong hati tayo. Magugulat ka kung sabihin ko sa 'yong ultimo internet, kuryente, food at bahay namin, siya ang nagbabayad kahit kumikita [rin] naman ako ng pera. Tinanong ko siya' Bakit gusto mo ikaw lahat?' Sabi niya, 'Gusto ko maging responsableng tatay, at kaya ko naman. Hingi ako ng tulong sayo 'pag hindi ko kaya,'” post ni Pat sa FB.
"Totoo nga, it’s easy to judge people, especially if we don’t know much about them. Kaya 'wag na lang mag-talk. Salute sa mga tatay na responsible and good provider. Thank you, Dad!" dagdag ni Pat.
Sa isang hiwalay na post sa FB, ini-reshare niyang muli ang kanyang post at humirit na i-close na lang daw ang mouth kung walang magandang sasabihin.
Marami naman ang umayon sa post ng vlogger at sinabing sana raw lahat ng ama ay maging responsableng mister katulad ni Boss Keng.
Comentarios