top of page
Search
BULGAR

Paulit-ulit na lang na lockdown, iba naman!

@Editorial | August 21, 2021



Simula bukas hanggang sa Agosto 31 ay isasailalim na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR).


Ipatutupad din ang MECQ sa probinsiya ng Bataan mula Agosto 23 hanggang 31.


Kaugnay nito, ipinag-utos sa mga lokal na pamahalaan sa mga nabanggit na lugar na paigtingin ang vaccination rates, Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategies at pagsunod sa minimum public health standards.


Bawal pa rin ang indoor at al-fresco dine-in services at personal care services tulad ng salons, barbershops at nail spas.


Mananatili namang virtual ang pagdaraos ng religious gatherings sa NCR, Bataan at Laguna.


Bagama’t mas pinaluwag ang quarantine, hindi naman ito nangangahulugang puwede nang magpabaya. Kapansin-pansing patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19, punuan na sa mga ospital at may mga naitatalang pang namamatay.


Sa ngayon, hindi lang kalusugan ang pinagtutuunan, kailangan ding pag-aralan ang lagay ng ekonomiya.


Aminado ang mga awtoridad na hindi na talaga kakayanin ang mas mahabang lockdown.


Kung tila hindi na epektib ang iba’t ibang quarantine classifications, marahil ay dapat nang bumuo ng bagong estratehiya.


Nakakapagod na rin ang paulit-ulit na sitwasyon, tipong ‘pag dumami ang nagpopositibo, balik-ECQ na naman, ang kailangan natin ay pag-usad.


Sana, simulan natin ito sa sarili at sa ating pamilya. Utang na loob, huwag na tayong pasaway. Ang kapabayaan ng isa ay pagdurusa ng lahat.


Huwag nating hayaang nakawin ng pandemyang ito ang ating kalayaan at kaligayahan, kasama ang ating pamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page