ni Mercy Lejarde - @Talkies | May 22, 2022
Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Pauleen Luna just recently ang isang appreciation post para sa kanyang pinakamamahal na asawa for six years now na si Bossing Vic Sotto.
Talagang ipinagsigawan ni Pauline sa mga Marites at sa buong universe na hanggang ngayon ay patay na patay pa rin siya sa veteran comedian at Eat Bulaga! host at super-kilig pa rin daw siya sa ama ng kanyang dyunak sa kabila ng malaki nilang agwat ng edad, and to think na 6 years na silang nagsasama as husband and wife.
Nag-compile ang aktres ng tatlong videos para sa kanyang Instagram Reel kung saan mapapanood ang mga bonding moments nila ni Bossing, kabilang na ang mga “nilalanggam” nilang mga eksena together.
“This is you, this is me, this is all we need,” ang maikli ngunit punumpuno ng pagmamahal na mensahe ni Pauleen para kay Bossing.
Sa isang video, makikita si Vic na nasa loob ng eroplano at nagpa-flying kiss kay Pauleen, habang sa second video naman ay makikitang inaabutan ng aktres ang asawa ng drink.
Sa ikatlong video ay ang kissing scene naman ng mag-asawa. Sey pa ni Pauleen sa kanyang caption, “Still so madly in love with you @mzet280 (Vic).”
Early this year, nag-celebrate ang Kapuso couple ng kanilang 6th wedding anniversary. Mensahe ni Pauline kay Vic sa kanilang anibersaryo, “My husband loves me very much and gives me a certain kind of confidence and security about our relationship but I think the thing I love most about him is the amount of respect he gives me.
“He respects my life decisions, he respects my room to grow and he respects me like an equal. Never did I hear my husband raise his voice and (I never) felt like I was younger and didn’t matter. I always felt validated. I always feel important around him.
“Respect plays a big role in any relationship. I know deep in my heart that it’s one of the main reasons why this relationship is so easy,” ang mensahe pa ni Pauleen sa kanyang asawa.
Ikinasal sina Pauleen at Vic noong 2016 at makalipas lamang ang isang taon, isinilang na ang panganay nilang anak na si Talitha Maria o Tali.
At dahil dito ay laking pasasalamat ni Pauleen kay Lord God Jesus Christ dahil ibinigay sa kanya ang right man to be her husband for life.
Well, talaga sigurong sila ang itinakda ng tadhana para sa isa’t isa, sey mo, Dina Bonnevie? Just asking lang po.
Comments