ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 17, 2022
Sino kaya ang pinatutungkulan ni Kylie Padilla sa kanyang latest post na: "Your lack of empathy reflects on you not me. I just have to remember, my worth is not based on your closed mentality.
I let it go, I set myself free. I don't believe in regrets, but I regret having you as a memory."
Ang nasabing post ay may background na sunset postcard.
Espekulasyon ng mga netizens, ang estranged husband niyang si Aljur Abrenica ang pinarurunggitan ni Kylie.
Komento nila… "Walang kadala-dala sa parinigan blues."
"‘I regret having you as a memory’ Love this line. Sana, gawan ng song. #hugot"
"Kanino pa nga ba? Eh, sa lalaking sumira ng career at eventually sa pamilya nila."
"K, ano na naman ang ginawa ni A?! Walang sustento? Abang lang ako rito with my popcorn.
May advise naman ang isang commenter, "Ang ganda ni Kylie, sobra! Sana iwas-iwasan na ng mga taong gamitin ang social media as means para magparinig kase mawawalan ka rin ng inner peace knowing may pinariringgan ka. Best pa rin ang magdasal o kausapin na lang ‘yung tao kung puwede."
"Ang daming kadramahan ng mga ‘yan. Mas better sana, tawagan niya na lang kung sino man ‘yang kaaway niya at talakan para tapos. Mas ok pa ‘yun kesa magparinig sa socmed tapos hanap ng kakampi, tapos ‘pag dinumog ng Marites, magagalit at sasabihin, privacy at mental health chuchu. ‘Wag kami! Umay!"
Iba naman ang komento ng isang ito, "Kylie, please tell them the truth."
Naku, ha? Intriguing…
Comments