top of page
Search

Patung-patong na kaso vs. Silang, Cavite Mayor Anarna

BULGAR

ni Madel Moratillo @News | May 16, 2024


Patung-patong na reklamo ang isinampa laban kay suspended Silang, Cavite Mayor Alston Kevin Anarna, at iba pa sa Office of the Ombudsman.


Napag-alamang 65 karagdagang graft complaint ang isinampa nina Acting Mayor Edward Carranza, Acting Vice Mayor Mark Anthony Toledo at Councilor Perpetuo Desingaño laban kay Anarna at iba pa.


May kinalaman ito sa P11 milyong ginastos umano para sa pekeng okasyon noong 2023.


Inakusahan din si Anarna at mga miyembro ng Bids and Awards Committee ng grave misconduct, serious dishonesty, gross neglect of duty, conduct prejudicial to the best interest of the service, iba pang paglabag sa graft and corrupt practices act at code of conduct and ethical standards for public official and employees.


Malinaw umano sa kanilang nakalap na records na tapos na ang nasabing okasyon nang gawin ang bidding para sa mga pagkain.


Ang paglabag na ito sa procurement law ay pareho umano sa pagbili ng mga bulaklak at pailaw para sa fiesta kahit tapos na ang okasyon.


Simula lang umano ito ng imbestigasyon ng complainants sa sinasabing iregularidad sa higit 5 libong transaksyon sa ilalim ng pamumuno ni Anarna na sinasabing umabot sa P1.5 bilyon na naobserbahan ng Commission on Audit.

0 comments

Recent Posts

See All

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page