top of page
Search
BULGAR

Patung-patong na ang problems... good news ni P-Digong sa SONA, wish ko lang!

ni Imee Marcos - @Buking | July 22, 2020


Malaking hamon ang kinakaharap ng ating pamahalaan sa ngayon lalo na at samu’t sari at patung-patong na ang problemang idinudulot nitong COVID-19 pandemic.


Kaya nga ang ating mga kababayan ay umaasa at talaga namang nakaabang na sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes. Para makabawas sa mga alalahanin ng ating Pangulo, tayo ay nakikiusap sa iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan na paigtingin pa ang pagtutulungan para masolusyunan ang problema ngayong pandemya.


Pakiusap natin mga frennie sa Department of Labor and Employment (DOLE), eh, bilisan ang aksiyon sa mga trabahong kailangang ibigay sa mga manggagawang nasibak at ipaliwanag ang mga tulong na naibigay na sa iba ng gobyerno. Dahil tiyak na aasahan ng taumbayan na mababanggit ng Pangulo ang solusyon sa unemployment sa kanyang SONA.


‘Yung Department of Trade and Industry (DTI) naman, plis i-update na ang listahan ng standard retail price sa mga basic goods at palawakin pa ito o isama ang mga in-demand na produkto ngayong umiiral na ang new normal at palakasin ang kapasidad ninyo sa pagmo-monitor ng mga mapagsamantalang negosyante! Juicekoday!


Hirit pa natin sa DTI, dapat maging agresibo kontra sa mga mapagsamantalang negosyante at kasuhan agad!


Maalala rin natin itong Meralco at mga water concessionaires, eh, dapat na kalusin ang mga pang-aabuso sa mga konsyumer nila! Eh, dapat mga frennie, managot na ang mga abusadong ‘yan, nasa gitna tayo ng pandemya kita pa rin ang inaatupag!


‘Susko no, mga friendship, tama bang singilin tayo ng doble o triple sa Meralco bill at pati water bill ng ganu’n na lang base sa estimate? Hello, ano sila, manghuhula? Kakapikon!


Sana mga kaberks sa mga ahensiyang ‘yan, plis lang paspasan na ang kilos para merong mailalatag na solusyon ang ating Pangulo sa malawakang kawalan ng trabaho, nakaririmarim na mataas na singil sa kuryente at tubig at tumataas na presyo ng bilihin! Wish ko lang na may makarinig tayong good news sa darating na SONA.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page