ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 02, 2021
Idineklara ng World Health Organization nitong Martes na ang Delta variant na ang pinakatalamak na variant ng COVID-19 sa bansa.
Kinumpirma rin ng WHO ang community transmission ng Delta variant.
Noong Lunes, pumalo na sa 1, 976, 202 ang bilang ng may COVID-19 sa bansa, pagkatapos magtala ng 22,366 bagong kaso. Sa nangyayaring trend, aabot na tayo sa 2 milyong kaso pagpasok ng Setyembre.
☻☻☻
Kailangang may magbago dahil tulad ng obserbasyon ng nakararami, hindi gumagana ang mga ipinatutupad ng pamahalaan.
Uulit-ulitin natin ang pangangailangang palakasin ang basics, ang 3Ts kung tawagin na tracing, testing, at treatment, kasabay ng pagmamadali pa, lalo na mabakunahan ang ating mga kababayan.
Kung hindi natin ito gagawin, lalo lamang tayong malulugmok at darami ang magdurusa.
Oras nang kumilos. Dapat nga, last year pa.
☻☻☻
Patuloy pa rin ang pang-aabuso ng mga awtoridad lalo na sa ating mga checkpoint.
Noong Aug. 27, isang quarantine violator ang naging biktima ng sexual abuse sa Mariveles, Bataan.
May mga ulat sa nakaraang buwan at taon na quarantine violator na napaslang, o kaya babae’t lalaki na napipilitang mag-offer ng sex sa mga pulis para makalusot sa checkpoint.
Nananawagan tayong panagutin ang lahat ng nang-aabuso sa kanilang awtoridad, at sa liderato ng Philippine National Police na gawin ang lahat nang maaari upang masigurong maayos na ginagampanan ng mga pulis ang kanilang tungkulin.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments