ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | November 9, 2020
Ang patola.
Ngayong tag-ulan, ang isa sa pinakasikat na halamang gulay ay patola. Kumbaga, napapanahon ang patola sa mga araw na ito. Anumang araw o sandali, puwede kang makabili ng patola sa mga palengke.
Noong una, ang patola ay inakalang pangkaraniwang sangkap lang sa pagluluto. Dahil sa sarap ng patola, iba’t ibang klase ng lutuin ang nilalagyan nito. Sa ngayon, ang patola ay sikat sa mga mahilig kumain ng mga instant na pansit dahil ito ay nagpapasarap sa putaheng ito.
Kaya sa lahat ng klase ng mga gulay, patola ang hindi nagpapaiwan, kumbaga, sumabay siya sa kung ano ang uso at masarap.
Ang maganda sa patola ay masarap na, nakapagpapagaling pa ng maraming karamdaman.
Mayroong Vitamin B5 ang patola at ito ay panlaban sa bad cholesterol. Gayundin, ang patola ay mayrooong triglycerides na tumutulong para maiwasan ang cardiovascular diseases.
Taglay ng patola ang iron na nakatutulong para madala sa ang oxygen sa utak nang sa gayun ay makapagtrabaho ito nang maayos. Ang kakulangan sa iron ay magiging dahilan ng poor memory, kawalan ng ganang makisalamuha sa kapwa at pananamlay ng katawan na para bang ang tao ay walang kasigla-siglang mabuhay.
Ang katas ng patola ay nagpapalakas ng immune system para labanan ang mga bakterya at virus.
Panlaban din ang patola sa diabetes dahil mayroon itong manganese na tumutulong para makabuo ng insulin.
Mayaman din ang patola sa Vitamin A, na nakakatulong para labanan ang pagkabulag at panlalabo ng mga mata.
Mayaman din ang patola sa potassium na bumabalanse ng fluid na nasa katawan para marelax ang mga muscles. Ang mababang potassium ay dahilan ng muscle cramps, spasms at pain o sakit ng mga kalamnan.
Sa pagkain ng patola, ang rayuma ay nawawala dahil ang patola ay mayaman sa copper na umaakto bilang anti-inflammatory.
Gamot sa anemia ang patola dahil ito ay mayaman sa Vitamin B6 na tumuutulong para makapag-produce ng hemoglobin ang katawan.
Umaakto rin ang patola na blood purifier, na may kakayahang alisin ang mga nakalalasong elemento na nasa dugo. Kaya ang patola rin ay nagpapalusog ng liver.
Malaking tulong din ang patola sa mga hindi matunawan dahil umaakto ito bilang laxative.
Sa taglay na Vitamin C ng patola, ito ay nagpapaganda ng kutis.
Maraming medicinal benefits ang patola kaya hindi lang ito masarap dahil ito rin ay kinikilalang isa sa mga pinakasikat sa mundo ng herbal medicine.
Good luck!
Comments