top of page
Search
BULGAR

Pati daycare teacher, iba pang taga-Barangay.. Tanod, pasok sa pabahay

ni BRT | April 3, 2023




Pasok na rin ang mga empleyado ng Barangay sa mga benepisyaryo ng programang pabahay ng pamahalaan.


Batay ito sa probisyon ng isang memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan kamakailan nina Human Settlements and Urban Development Sec. Jose Rizalino Acuzar at Interior Secretary Benhur Abalos.


Base sa kasunduan, magtatayo ng housing units para sa mga mahihirap na Barangay worker at informal settler sa ilalim ng “Pambansang Pabahay” program.


Target sa kasunduan ang mga mahihirap na tanod, day care teachers, response team workers at iba pang kuwalipikadong empleyado, maging ang mga permanent, contractual o casual workers.


Kasama rin sa programa ang informal settler families bilang buyer-beneficiaries ng affordable housing units.


Tutulong umano ang DILG sa mga Barangay para tukuyin ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng social preparation, census enumeration, socio-economic profiling at pagtatalaga ng social parameters.


0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page