top of page
Search
  • BULGAR

Pati cellphone, pinakikialaman daw ng GF… JERIC, SAKAL NA SAKAL NA KAY RABIYA, HIWALAY NA ULI

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 27, 2024



Showbiz Photo
Photo: Jeric at Rabiya

Mukhang war na naman ngayon ang showbiz couple na sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo, base sa observation ng ilang Marites sa showbiz. 


Hindi man ito inaamin ng Kapuso actor, marami na ang nakakahalata na hindi na sila gaanong sweet sa isa’t isa ni Rabiya.


Katunayan, walang pagbati si Rabiya noong birthday ni Jeric last August 7. Pero, sabi naman ng ilang kaibigan nila, natural na sa dalawa ang away-bati nilang relasyon. 


Si Rabiya ang sinisisi dahil sobra raw itong selosa at laging binabantayan ang mga ginagawa ng nobyo. Pati nga ang cellphone ni Jeric ay pinakikialaman at tsine-check kung sino ang mga tumatawag. At pati ang schedule ni Jeric sa taping at mga commitments ay inaalam ni Rabiya. 


Sakal na sakal na raw si Jeric sa kanilang relasyon dahil sa sobrang pagka-selosa ni Rabiya. Halata kasi na chick magnet si Jeric, kaya hindi mapigilan ni Rabiya ang magselos. 


Well, kung ganito lagi ang kaganapan, posibleng mauwi nga sa paghihiwalay ang relasyon nina Jeric at Rabiya.


 

AYON sa mga supporters ni Sen. Jinggoy Estrada, politically motivated ang ipinakalat na video ngayon laban sa senador, kung saan makikita ang pakikipagtalo niya sa isang babae. 


Matagal na raw ‘yun nangyari sa isang evacuation center sa San Juan, kung saan magdadala sana ng ayuda si Sen. Jinggoy. 

Ano ang motibo at bakit ngayon lang inilabas sa socmed ang nasabing video?


Napakaaga naman yatang paninira ito sa image ni Sen. Jinggoy na pakana ng mga kalaban niya. 


Marami ang nakakakilala sa tunay na pagkatao ni Sen. Jinggoy na hindi basta naniniwala sa mga paninira sa senador. Likas na seryoso at bihirang ngumiti, kaya madalas siyang napagkakamalang isnabero at suplado. Pero kapag nakilala na ay mabait siya at handang tumulong sa mga nangangailangan. 


Sincere si Sen. Jinggoy at hindi pakitang-tao lang ang pag-aalala at pagtulong sa kapwa.


Nami-misinterpret lang ng iba ang sobra niyang pagpapakatotoo at pagiging straightforward. Wala siyang paliguy-ligoy kung may gusto siyang sabihin, tulad ng ginawa niyang pagtatanong at pagbusisi noong imbestigasyon ng Senado sa ‘sexual harassment’ na inireklamo ni Sandro Muhlach, anak ni Niño Muhlach.


Dati nang palaban si Sen. Jinggoy kapag may isyung iniimbestigahan sa Senado, kaya marami ang ilag sa kanya at lagi siyang ibinabagsak at sinisiraan.


 

NAGTATANONG ang mga viewers ng Abot Kamay Na Pangarap (AKNP) kung malapit na bang magtapos sa ere ang top-rated afternoon soap na ito.


May teaser kasi ang AKNP kung saan ibinalita ang pagpapakasal ni Lyneth (Carmina Villarroel) kay Doc RJ (Richard Yap). Kaya, inakala ng lahat na magtatapos na ang serye. 


Mahigit isang taon na sa ere ang AKNP na pinagbibidahan nina Jillian Ward, Carmina at Richard. 


Maraming twists ang nangyari sa kuwento at maraming celebrities ang nag-guest sa AKNP tulad nina Dina Bonnevie, Pilar Pilapil, atbp.. 


Ang inaabangan ngayon ng mga viewers ay ang magiging grand finale ng AKNP. Happy ending ang gusto ng lahat.

0 comments

댓글


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page