ni Julie Bonifacio @Winner | June 15, 2023
Ibinahagi ng girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Isabel Santos ang ilang larawan na kuha sa isang restaurant sa kanyang Instagram last Tuesday.
Sa kanyang IG Story, makikitang magkasama sila ni John Lloyd sa isang resto. Present din ang anak ng aktor kay Ellen Adarna na si Elias, pati na rin ang pamilya ni Isabel na pinangungunahan ng kanyang mga magulang na sina Soler and Mona Santos na
parehong pintor.
Dahil may birthday cake emoji rin sa naturang IG post ni Isabel, puwedeng i-assume that it was a dinner celebration for her birthday.
Ipinanganak si Isabel nu’ng June 11, 1990. So, this year, 33 years old na siya habang si John Lloyd naman ay turning 40 years old na sa darating na June 24. Kung ganu’n, sakto lang pala ang age difference ng magdyowa na parehong artists.
Ang tatay ni Isabel na si Soler ay anak ng National Artist na si Mauro “Malang” Santos.
Pagmamay-ari rin ng tatay ni Isabel ang Wear Gallery sa Kyusi kung saan ini-launch ang unang solo exhibit ng aktor noong 2019. Kaya, alam na kung pasado o hindi si Lloydie sa pamilya ng kanyang GF.
Habang si Isabel naman ay nagtapos ng European Studies sa Ateneo de Manila University. Nanalo rin siya sa Uniqlo's UT Grand Prix t-shirt design contest noong 2021.
Tinalo niya ang more or less 10,000 entries at tumanggap siya ng P1.5M as cash prize.
Ipinasilip ni Isabel sa kanyang IG ang collection ng mga damit na ginagawa niya.
Malamang ay maglulunsad na rin siya ng kanyang sariling clothing line. Mahilig din kasi siya sa fashion.
Bukod doon, ipinakita rin ni Isabel ang litrato ng bonding niya kasama sina John Lloyd at Elias sa isang bahay kung saan ay naroon din ang mga beloved pets ng dalaga.
Caption ni Isabel: “My Christmas in June.”
Reaksiyon ng netizen sa IG post ni Isabel, “Ang artsy ng couple na ‘to.”
Waiting na lang ang mga netizens kung kailan magpo-propose si John Lloyd ng kasal kay Isabel. After all, nasa tamang edad na sila at parehong accomplished artists.
Malay natin, baka next year ay may wedding bells na. Hehehehe!
Comments