ni Thea Janica Teh | December 15, 2020
Umabot na sa 300,000 katao sa United States ang namatay dahil sa COVID-19, ayon sa Johns Hopkins University tally nitong Lunes habang papalapit nang simulan ang vaccine program.
Sa nakalipas na 2 linggo, nakapagtala ang John Hopkins ng 2,500 namatay kada araw dahil sa COVID-19 . Umabot pa sa 3,000 ang naitala noong Miyerkules at Sabado. Ito na ang pinakamataas na naitalang namatay sa COVID-19 sa buong mundo.
Ito umano ang sanhi ng kawalan ng disiplina ng ilang residente sa pagsunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.
Binalaan din ng awtoridad na maaari pang tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa dahil marami ang bumiyahe at dumalo sa Thanksgiving holiday noong nakaraang buwan.
Samantala, nasa 2.9 milyong vaccine doses ang inihanda ng US na ide-deliver sa 636 sites para sa halos 20 milyon nitong mamamayan.
Ang bawat tao ay makatatanggap ng two-shot regimen bago matapos ang taon at nakahanda muling magbigay ng vaccine sa Marso para sa 100 milyong mamamayan.
Comments