top of page
Search
BULGAR

Patay sa rabies nasa 237 na — DOH

ni Lolet Abania | September 17, 2022



May kabuuang 237 namatay nang dahil sa rabies na nai-record mula Enero hanggang Agosto ngayong taon, ayon sa Department of Health (DOH).


“Dati from January to August ang number natin ay 199, halos 200 tao ang namatay... Ngayon nasa 237,” pahayag ni Public Health Service Team Officer-In-Charge-Undersecretary Dr. Beverly Ho sa isang interview ngayong Sabado.


Ayon kay Ho, tumaas ito ng 20% mula sa naitala noong nakaraang taon.


Aniya pa, karamihan sa mga kaso ng rabies ay dahil sa mga kagat ng aso na infected ng virus.


“’Yung pets hindi rin natin alam kung saan-saan sila dumadayo, pumupunta. Talagang may chance pa rin na kahit may bakuna sila, maaari pa rin silang makakuha at magtago ng rabies virus sa loob ng katawan nila,” ani Ho.


HInimok naman ni Ho ang mga pet owners maging responsableng may-ari sa kanilang mga alaga sa pamamagitan ng pagbabakuna sa mga ito, huwag silang gagalitin at itali sila kapag may bisita sa bahay.


Sakaling makagat, ang mga pasyente ay dapat na iwasan na puwersahin ang kanilang mga sugat na paduguin, at magpabakuna.


Una nang sinabi ng DOH na ang rabies ay mayroong 100% fatality rate.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page