ni Eli San Miguel @News | May 3, 2024
SAO PAULO, Brazil - Umakyat na sa 29 ang bilang ng pagkasawi dahil sa matinding mga pag-ulan sa Rio Grande do Sul, Brazil, ayon sa mga lokal na otoridad.
Kasabay nito ang pagdedeklara ng “state of calamity” sa estado.
Higit sa 300,000 katao rin ang nawalan ng kuryente matapos sumabog ang isang dam sa isang maliit na hydroelectric power plant noong Huwebes.
Sa kabuuan, nagdulot ng pinakamalaking pinsala sa estado ang mga pagbagyo sa mga nakaraang taon kung saan 60 katao ang nawala at 10,242 ang lumikas sa 154 na lungsod, ayon sa civil defense ng Rio Grande do Sul.sa kasalukuyang taon, inihayag ng BuCor na 618 PDLs ang kanilang pinalaya.
Comentários