top of page
Search
BULGAR

Patay sa lindol sa Mindanao, 8 na — NDRRMC

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 19, 2023




Umabot na sa walong katao ang namatay sa 6.8 magnitude na lindol na tumama nu'ng Biyernes sa bahagi ng Mindanao.


Ayon sa ulat ng tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na si Mark Timbal, apat sa mga namatay ay mula sa Sarangani, tatlo ay mula sa General Santos City, at isa naman mula sa Davao Occidental, habang 13 namang katao ang sugatan dahil sa lindol.


Patuloy pa rin ang NDRRMC at ang mga lokal na unit ng pamahalaan sa pagkumpirma ng bilang ng mga nasawi.


Kinumpirma naman ng NDRRMC na umabot sa 1, 509 katao o 180 pamilya ang naapektuhan at nawasak ang tirahan dahil sa lakas ng tumamang lindol.


Sa kabilang banda, naibalik na ang kuryente at naayos na ang mga daan sa ilang bahaging apektado ng nangyaring pagyanig.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page