top of page
Search
BULGAR

Patay sa gumuhong gusali sa Florida, 28 na, 117 nawawala pa


ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 6, 2021



Umakyat na sa 28 ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong 12-storey residential building sa Surfside, Florida habang 117 pa ang nawawala, ayon sa awtoridad.


Noong Linggo nang gabi, pansamantalang itinigil ang paghahanap sa mga biktima upang ma-demolish na ang natitirang bahagi ng gusali na nakatayo pa. Ipinag-utos ng mga opisyal na tuluyan na itong i-demolish dahil hindi na ito matibay at maaaring makapagdulot umano ng panganib sa mga rescue crews.


Ayon din kay Miami-Dade County Mayor Daniella Levine Cava, nakatulong din ang tuluyang pag-demolish sa gusali dahil nu’ng nakatayo pa ang ibang bahagi nito ay limitado lamang ang kilos ng mga rescue teams.


Lahat ng natatagpuang biktima ay wala nang buhay ngunit umaasa pa rin ang awtoridad na mayroon pang natitirang survivors sa naganap na trahedya.


Saad pa ni Cava, "We are looking for voids where someone may be inside.


"We worked very hard to bring the building down to get access to the pile where we hope there are voids that allow us to continue the search and rescue operations.”


Samantala, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin alam ng mga imbestigador ang dahilan ng pagguho ng gusali at patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page