ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 1, 2021
Umakyat na sa labing-anim ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong 12-storey residential building sa Florida, ayon sa mayor ng Miami-Dade County noong Miyerkules.
Ayon kay County Mayor Daniella Levine Cava, 147 katao pa ang hinahanap ng awtoridad at umaasa silang may mahahanap pa ring survivors sa insidente.
Saad ni Cava, "We've now recovered four additional victims. The number of deceased is at 16. Twelve next-of-kin notifications have been completed, that is four families still waiting to hear.”
Nangako naman si Surfside Mayor Charles Burkett sa pamilya ng mga biktima na ipagpapatuloy pa rin ang search and rescue operations.
Aniya, "We've not gotten to the bottom. We don't know what's down there.
"We're not going to guess. We're not going to make a life-or-death decision to arbitrarily stop searching for people who may be alive in that rubble."
Dalawang uri na rin umano ng dog teams ang ginamit ng mga rescuers, isang isinailalim sa training para makaamoy ng mga survivors at isang na-train para makapag-detect ng mga bangkay.
Samantala, tinutukoy pa rin ng mga imbestigador ang naging dahilan ng pagguho ng bahagi ng naturang gusali noong Huwebes nang gabi.
Comments