ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 6, 2021
Umakyat na sa 128 ang bilang ng mga nasawi sa flash floods na dulot ng tropical cyclone na tumama sa eastern Indonesia, ayon sa disaster agency ng naturang bansa ngayong Martes.
Ayon kay National Disaster Mitigation Agency Spokesman Raditya Jati, tinatayang aabot sa 8,424 ang mga inilikas dahil sa pagbaha noong Linggo.
Apektado rin ng tropical cyclone ang East Timor kung saan 27 ang nasawi at 8 ang naitalang nawawala. Aabot din sa 8,000 katao sa Dili City ang inilikas.
Ayon sa ahensiya, ang East Nusa Tenggara at West Nusa Tenggara provinces ang lubos na naapektuhan sa insidente at inaasahan ding tataas pa ang bilang ng mga casualties.
Nahirapan ding magsagawa ng rescue efforts dahil sa mudslides at pagkasira ng mga tulay.
Samantala, ayon naman sa Meteorological, Climatological and Geophysical Agency, inaasahang lalakas pa ang naturang cyclone sa loob ng 24 oras.
Commentaires