ni Angela Fernando - Trainee @News | January 21, 2024
![](https://static.wixstatic.com/media/6bbb76_d87f799528f24faf9570bdbd20030de1~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_587,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/6bbb76_d87f799528f24faf9570bdbd20030de1~mv2.jpg)
Kinumpirma ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Linggo na 13 na ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng landslide sa Davao Region dahil sa lakas ng ulan.
Sinabi ni Region 11 Director Ednar Dayanghirang na 10 ang namatay sa Barangay Mt. Diwata sa Monkayo, Davao de Oro; 2 sa Davao City, at 1 sa Maragusan, Davao de Oro.
Aniya, may 6 ang sugatan at isa pa ang nawawala sa Mt. Diwata.
Ayon kay Dayanghirang, apektado ang halos 490,000 na tao o 111,000 na pamilya sa 297 barangay dahil sa pag-ulan sa Davao Region.
Comments